Nilapitan ako ng pulis at nilahad sa'akin ang lahat. Hindi ako maniniwalang asawa ko yan. Malakas ang kutob ko na buhay pa rin ito, kaya hindi ako titigil nang kakahanap sa'kaniya. "Ken, bumalik na tayo.." yakagko rito. "Bakit bro, may problema ba? Nag kita ba kayo ng asawa mo? Bakit hindi mo siya kasama?" sunod sunod na tanong nito, pero wala akong gana sumagot ng tanong niya, mamaya ko na lang siya kakausapin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako ng balsa. Masama ang loob ko, hindi ko tatanggapin kahit kailan na patay na ang asawa ko. Hindi siya yon, maaring dito nga nakuha ang kwintas niya pero, hindi ibig sabihin nyan siya na kaagad yon. "Bro, siguro naman sasagutin muna ako." tanong ni Ken na nakarating na rin pala. Hindi ko alam kung sasagutin ko siya, lalo na wala ako sa mood makipag usap muna. "Okay, bro, hindi na kita tatanungin pa. Kapag ready ka na, pwede kang mag sabi sa'akin," ani niya. Napansin niya yatang wala ako sa mood makipag-usap
Last Updated : 2024-08-11 Read more