SAMUELLEPANAGINIP lang ba ito? I mean, bakit ganito na ang pinapakita sa akin ni Rhenz. And worst, inaraw-araw pa ako ng gagong iyon. Ay hindi pala, mapaaraw at gabi. "Pero talaga, Louise. Naninibago lang ako kay Rhenz," kasalukuyan na kasama ko ito sa isang restaurant at kumakain ng tanghalian."Hay naku, Sammy. Pasalamat ka na lang na nagbago na siya. At wala na siyang kabit, o sabihin na lang natin na hindi na siya kabit," natatawang saad naman ni Louise.Napanguso naman ako. "Sana nga. Sabi niya, for lifetime na raw ang pagsasama namin.""Eh di magaling. Ibig sabihin, mahal ka na niya. OMG! Ibig sabihin, seryoso na siya sa'yo."Sana nga. Nararamdaman ko naman na mahal ko na rin siya. After namin kumain ni Louise, bumalik na ito sa opisina, samantala ako naman, bumalik na rin sa hospital."Hello, Sammy. May dumating na flowers for you," aniya ng kasamahan kong nurse at inabot sa akin ang napakagandang lily flowers."Ahmm..thank you," alanganing sagot ko at kinuha ito.Napangiti
Huling Na-update : 2023-06-26 Magbasa pa