Para lang kaming mga bata ni Enrique habang nag-e-enjoy sa mga circus shows dito sa rolling carnival kung san kami dinala ng nasakyan naming taxi. Sumuong rin kami sa iba’t-ibang mga rides mula carousel, bumpcars, horror train at kung ano-ano pa.“Alright. Halika, ferriswheel tayo.”Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong tumanggi sa pag-aya niya sa ferriswheel.Sa abot ng makakaya ko, ipinaliwanag ko sa kanya na natatakot ako sa matataas na lugar. Hindi man ako iyong tipo ng tao na hihimatayin kapag nasa mataas na lugar, may pakiramdam ako na mahuhulog ako. Hindi ko ma-iwasang isipin ang posibilidad na mahulog ako. Isa pa, natatakot ako na baka tumirik ang ferris wheel at hindi na kami makababa!Iyon nga lang, inatake ng pagiging sira ulo ang kasama ko. Halos ma-ubos ang braincells ko kakapaliwanag sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Paulit-ulit niya akong sinabihan ng ‘relax,’ ‘kalma,’ ‘everything’s going to be fine.’“Ano ka ba, Lorryce? Halika na. Ferris wheel lang iyan, ika
Last Updated : 2023-06-26 Read more