Warning: Matured content !!BEA'S POV Dumaan ang mga araw at mga buwan. Naging maayos at masaya ako sa piling ni Cedrick. Hindi ko maitatangi na mahal ko na siya.Graduation ko ngayon at masaya ako dahil finally natupad ko na ang pangarap ko at lahat ng iyon ay dahil sa tulong ni ate Caye.May munting salo salo dito sa bahay ngayong gabi. Wala si Ced dahil nasa Manila siya pero hahabol daw siya."Congrats!! Bea happy ako sa 'yo dahil nakapagtapos kana. Anong balak mo ngayon? Ito pala para sa 'yo gift ng mga bata," saad sa akin ni ate Caye at ini-abot niya ang regalo sa akin."Thank you mga babies ni tita and thank you ate. Dahil ang lahat ng ito ay dahil po sa inyo. Sa lahat ng tulong mo sa akin. Tutulong po muna ako sa bakeshop dahil magpapasa pa lang po ako ng resume ko sa airline," pahayag ko kay ate Caye."Dahil din iyon sa sipag mo at talino kaya nakatapos ka. Sige maganda rin iyon dahil busy tayo ngayon. Kaya samahan mo muna ako sa pagbisita sa ibang branches natin," saad sa a
Magbasa pa