"Leah!" Tawag ni Hannah sakin. Napahinto naman ako sa pagbabasa ng dictionary. Nagtataka ko siyang tinignan."Oh, ano na naman ba?" Naiirita kong tanong sakanya."Alam mo bang may bagong transferee at classmate pa natin??""Ay don't ker eh, sarry." Walang gana kong saad sakanya at binaling na ulit ang tingin sa dictionary na hawak ko."Wow, english yun Leah ah! Yong pagka pronounce mo lang sobrang mali." Natatawa nyang sabi."Nag pa-practice ako kaya wag kang ano dyan!!" "Owws, bahala ka gwapo pa naman yong bago nating kaklase." Napahinto ako sa pagbabasa at binaling ang tingin sakanya."Ahm, talaga gwapo?" "Akala ko ba ay don't ker!?" "Heheh, nagbibiro lang naman ako eh!" Sabay nilagay ko ang libro sa table.Agad akong napalunok ng may pumasok na lalaki sa classroom namin...Napakunot naman and noo ko.Yan ba yong transferee? Akala ko ba gwapo! Tsk, nag expectations pa naman ako hayst!"Yan ba yung sinasabi mong transpere ha?" Bagot kong tanong."Transferee Leah, hindi transpere."
Huling Na-update : 2022-12-15 Magbasa pa