Hindi alam ng dalagang si Ashley kung ano ang kanyang mararamdaman ngayong nasa harapan niya ang lalaking pinakamamahal at may kasama itong iba. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan na wari'y namamahid ang kabuuan niya dahil sa nasaksihan. Buong akala niya ay halos perpekto na ang kanilang relasyon, ilang taon na sila at hindi niya inaakala na magagawa ito sa kanya ng lalaking pinakamamahal. Binigay niya na ang lahat pero mukhang hindi pa din ito sapat at nagawa nitong maghanap ng iba. "A-ashle babe." kinakabahan na utal ni Kevyn, akmang lalapit ito sa kanya pero umiling siya sabay atras. "I can't believe it, I can't believe you will c-cheated on me." halos pabulong na saad. Iyong babae naman na kasama niya ay mabilis na nagbihis at tumakbo palabas ng kanyang condo, gusto ko man siyang pagsasabunutan at sampalin ay hindi ko magawa dahil sa pamamanhid ng buo kung sistema, hindi ko na alam kung ano ang pwede kung maging reaksyon ngayon I feel so hurt and drain. "B-ba
Last Updated : 2022-11-21 Read more