HINDI niya alam kung ilang araw siyang nakaratay sa Ospital. Ang alam niya lang ay masakit pa rin ang kanyang katawan. Doon niya napagtanto na may kung ano-anong medical machines pala ang nakakabit sa buo niyang katawan.Nang bumukas ang pinto ay disoriented na namalikmata ang mommy niya na napasign-of the cross habang umuusal ng panalangin. Kaya napabuntong-hininga siya."Ma, I'm alive you know? Hindi mo na kailangan pang sambitin lahat ng pangalan ng Santo dahil hindi mo ito guni-guni lang,"Natigil ito sa ginagawa at nanlaki ang mga mata. "T-totoo, anak?" Hindi ito makapaniwala na nilapitan siya. "My Zephanie! OM...salamat diyos ko at hindi mo hinayaan ang anak ko." Hinaplos nito ang kanyang pisngi bago siya niyakap. Subalit napaigik siya."Naku! Pasensya ka na anak. I am just happy Zeph." Sabi nito sa masayahing tono. "Sigurado ako na matutuwa ang asawa, kuya, papa at mga kaibigan mo sa balitang 'to."Pero natigilan siya."Ayaw ko munang makita si Clyden ma.""W-Why?" Natigilan pa
Magbasa pa