Raven's POVNAKAYUKOM ang aking mga kamay at ininda ko ang hapding nararamdaman na dulot ng mga bubog na nakatarak sa mga sugat ng aking mga kamay. Nagtagis ang aking mga bagang habang deretso akong nakatingin sa kanyang mga mata."Why? The Vander you once knew is already gone, little lady. This is the real Vander—ruthless and merciless." Nakangising sagot nito sa akin.Tila nabasag ng ilang milyong beses ang puso ko at tuluyan na iyong naging alikabok. Walang pagsidlan ang sakit na nararamdamam ko ngayon. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang lokohin ka ng taong pinagkakatiwalaan at gusto mo. Parang may ninakaw sa akin na isang importanteng bagay na hindi na maibabalik pa."H-hindi... Nagsisinungaling ka lang... ang kilala kong—""Tanga! Nasa harap mo na ang katotohanan, ayaw mo pang tanggapin! I did nothing but play with you little girl. You bore me a lot, you could not even offer sex—""Tumigil ka! Tama na!" Putol ko sa kanya. Pakiramdam ko ay tinarak ako ng maraming punyal sa dibdib k
Last Updated : 2022-12-17 Read more