“Amalia! May naghahanap sa'yo!“ iyan agad ang naging bungad sa akin ni Mama noong gumising ako.Nakakairita na nga ang umaga tapos may naghahanap pa sa akin, Hayys.Dali-dali akong nagsuot ng tsinelas at lumabas sa aking kuwarto.“Sino daw po iyon, Ma? Wala naman po akong maalalang bibisita sa akin, ah.“Medyo wala pa ako sa sarili dahil kakagising ko pa nga lang.“Ayy, hindi ko alam, Anak. Basta't kanina pa iyang nasa labas ng bahay natin.“ buntong-hininga ni Mama.Napabuntong-hininga na lang din ako.Sino kaya iyon? Sa pagkakaalam ko naman ay wala akong pinagkakautangan ngayon dahil kababayad ko lang at wala rin akong alam na bisita dahil wala naman akong natatandaan na may pinaunlakan ako.Kung sino man iyon, sana ay good news ang hatid niya.Dahil sa kuryosidad ay agad akong lumabas ng bahay upang tingnan kung sino ang nasa labas.Hindi pa ako tuluyang nakakalabas sa tarangkahan ng bahay namin ay nakita ko na agad sa singaw ang isang
Last Updated : 2022-11-27 Read more