“Kuya, ano sayo?” tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako, ganoon ang tinatawag na costumer service. Kailangan maging magiliw at mabait ka sa mga mamimili para sayo bumili parati at balik-balikan ka. “May bangus, lapu-lapu, hito, dalagang bukid, maya-maya, tulingan—pili ka lang,” aniko. “Sariwang-sariwa yan kadadating lang galing aplaya,” dagdag ko pa habang nakaturo sa mga isda. “Etong galunggong..." Dinampot ko ang galunggong at ipinakita sa kaniya. “Masarap 'to i-prito at sabawan tapos lahukan ng talbos kamote.”Kumuha akong plastik bag at plastik labo saka inayos na ang timbangan. Itinama ko ito sa bilang dahil bahagyang umusog sa isang guhit.“Sayo ate, ano sayo?” tanong ko naman sa babaeng kadarating lang na tumitingin ng mga gulay. “Bagong pitas lahat yan.”“Isang kilong talong nga.”Hinayaan ko siya na pumili ng mga gusto niyang talong. Habang inilalagay niya ang mga napili niya sa timbangan ay tinitingnan ko ito kung sakto na ba sa isang kilo
Last Updated : 2022-10-28 Read more