"What?! Pinagkasundo niyo ako sa lalaking kahit kailan ay hindi ko pa nakikilala?!" Halos sumabog ang galit ni Keziah habang nakatitig sa kanyang mga magulang. Ramdam ang panginginig ng kanyang boses, tila pinipilit pigilan ang pag-agos ng luha."Iha," malumanay na sabi ng kanyang ina, "kailangan natin ito. Mabait si Cael, at sigurado akong magugustuhan mo siya kapag nakilala mo na.""Mabait? Paano ko malalaman kung totoo 'yan, Ma? Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung papayag ako!" Napakuyom siya ng kamao, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang emosyon."Ang buhay ko ito, hindi negosyo!""Anak," sagot ng kanyang ama, mahigpit ang tono, "kilala ang mga Lozano bilang isa sa pinakamalalakas na pangalan sa negosyo. Malaki ang maitutulong nila sa kompanya.""So, dahil lang sa negosyo kaya niyo isusuko ang kalayaan ko? Ang mga pangarap ko?!" sigaw ni Keziah, di na alintana ang pangingilid ng luha."Papa, hindi ba kayo nag-aalala kung magiging masaya ako?!"Ang sagot ng kanyang ama a
Last Updated : 2022-10-19 Read more