"Manang Didit, aalis na po ako huwag po kayong mag-alala hindi rin naman po ako magtatagal sa amin," paalam ni Luisa kay Manang Didit, dahil ngayong araw siya uuwi sa bahay nila."Mag-iingat ka, Luisa basta abisuhan mo lang ako kapag uuwi ka na ha?" bilin naman ni Mamang Didit sa kaniya."Sige po, Manang salamat po," pasalamat naman ni Luisa."Tsaka kapag kaya mo isama muna rito ang anak mo pwede naman tutal, e, wala pa naman si Sir Jaron para makasama mo pa siya ng mahaba-haba at para makita rin namin ang unica hija mo," mungkahi pa ng ginang na ikinalingon naman agad ni Luisa sa kaniya.Naikuwento kasi ni Luisa sa mga kawaksi niya na may isang supling siya nang minsan silang nagkukuwentuhan isang hapon sa may hardin. "Gustuhin ko man ho, Manang pero malabo po yata iyon," turan ni Luisa."Bakit naman? Mahiyain ba ang anak mo?" kaagad na tanong sa kaniya ni Manang Didit."Sobra po, Manang sa loob lang po iyan ng bahay namin nag-iingay.""Talaga? Naalala ko tuloy ang kabataan ni Jaron
Last Updated : 2023-01-02 Read more