AODIE “SIGURADO ka ba talagang kasintahan mo ang lalaki na iyon?” Natawa na lang ako kay mama na muling itinanong sa akin ang tungkol sa amin ni Cold, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking nagmamay-ari ng tinitirhan nilang lupa ay boyfriend ko. “Oo nga po, ma. Kanina ko pa po iyan sinasagot,” natatawang usal ko dito sabay sulyap kay Cold na nasa malayo ng muli habang may kausap na tatlong lalaki bago ko ibinalik ang tingin kay mama. “Pero, ma. Maiba po ako, kumusta po kayo dito?” tanong ko. Bigla namang nag-iba ang itsura ni mama nang marinig niya ang tanong ko. Para bang hindi niya alam kung ano ang isasagot sa akin. “Sa totoo lang ay hindi madali, lalo pa at nag-aaral ang mga kapatid mo pero anong magagawa natin, kung tutuloy pa rin kami sa dati nating bahay, hindi naman ligtas doon. Pilit ko ngang pina-intindi sa mga kapatid mo ang tungkol sa kapahamakan na sinsabi sa amin,” tugon nito. Bigla kong naalala na sinabi ko na kapag nagkita na kami ulit nila mama ay sasabih
Last Updated : 2023-10-21 Read more