"Kuya Tristan, ang pogi mo po talaga," aniya ni Snow. Kasalukuyang kumakain kami ng hapunan."Thanks, Snow. And by the way, bakit Snow ang pangalan mo?"Hinayaan ko na lang ang dalawa na nagkukwentuhan. Parang magkasundo nga ang dalawang ito."Kasi po, pangarap ni Nanay makapunta sa Canada. Gusto niya maranasan na makahawak man lang ng snow. Kaso, mahirap lang kami kaya noong ipinanganak ako, Snow ang pinangalanan sa akin." Napangiti naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Wala akong masabi sa ugali ni Snow. Sa edad na labing pito, wala itong kaarte-arte. Kung ano lang mayroon kami, hindi ito nagrereklamo."Nice. I like your name.""Thank you, Kuya. Ang saya ko po kasi mag-aasawa na si Ate. No boyfriend since birth kasi si Ate Kath. Siguro kung magkakaanak kayo kakulay ng mga mata mo Kuya Tristan, parang si Tuck-..I mean i-iyong kaklase ko, kulay berde ang mga mata." Sabay iwas ni Snow ng tingin sa akin. Nagdududa akong nakatingin rito. "Tuck? Sinong Tuck, Snow?" Diin na tanong ko rito.
Read more