Home / Romance / The Fallen Billionaire Son-in-Law / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng The Fallen Billionaire Son-in-Law: Kabanata 1 - Kabanata 10

20 Kabanata

Chapter 1 - News

“Ako na diyan, Sir…” “Hindi na, Alice. Ako na rito,” magalang niyang tanggi sa tagasilbing nais siyang palitan sa pagluluto. Hilaw halos ang ngiti ng katulong habang seryosong ginagawa ni Brent ang magiging tanghalian ng Shen, ang pamilya ng kanyang fiancé. Noon pa man, pansin niya na hindi siya tanggap ng pamilya. Kung tanggap man, pinagmamalabisan din at hindi itinuturing na fiance ng kanilang anak kundi bilang tagasilbi lamang. He was ridiculed and mocked after his parents left him to the Shen. Iniisip lagi ni Brent na marahil ay may rason ang kanyang pamilya kaya ginawa iyon ngunit habang tumatagal, sa pakikitungo ng Shen sa kanya, hindi niya maiwasang magtanim ng sama ng loob para sa kanyang pamilya. Gustong gusto niyang umalis at tanggihan ang planong iyon ngunit dahil din sa banta sa kanya ng makapangyarihang pamilya, hindi niya magawa. Dinala ni Brent ang kaniyang niluto sa malaking lamesa. His fiancé looked at him meaningfully, trying to weigh his reaction everytime he’
Magbasa pa

Chapter 2 - Touch

Ang balitang iyon ay labis na nagpagimbal kay Brent. Hindi niya halos maisip kung ano ang sinapit ng ina para ganoon ang mangyari. Nanatili siyang nakaupo, halos gulat at hindi alam kung ano dapat ang gagawin. “Ikaw lang ang tagapagmana ko. Ngayong wala na ang ina mo, ikaw din ang magmamana ng iniwan niyang mana na mapupunta sa pangalan mo,” ang matanda na malamig ang tingin kay Brent. Gumalaw ang panga ni Brent. Namatayan siya ng ina ngunit hindi niya lubos maisip na ang iniisip pa rin ng matanda ay ang kanyang mana na hindi niya naman kailangan. His chest clutched. Yumuko siya at mariing pumikit habang hinahawakan ang kanyang buhok. Huminga siya nang malalim at naisip ang huling sulyap niya sa kanyang ina. Kahit galit siya sa kanyang mga magulang dahil sa pang-iiwan sa kanya, hindi siya ganoon ka sahol para hilinging mawala na lamang sana ito. Mas gugustuhin niyang iniwan siya nito kaysa iyong malaman niyang wala na nga ito. Wala sa sariling tumayo si Brent, ni hindi na sumuly
Magbasa pa

Chapter 3 - Help

Labag sa loob ni Anais ang ginawa lalo na’t pakiramdam niya ay wala siyang pinagkaiba sa kaniyang pamilya kung paano tratuhin si Brent. Ngunit dahil sa problema nila sa kumpanya, gustong makatulong ni Anais sa bagay na iyon para hindi na pagbuntunan ng galit ng kaniyang ina si Brent. Iyon ang tanging tulong na naiisip niya para rito. Tahimik si Anais habang iginigiya siya ni Samuel sa inireserba nitong table para lamang sa kanilang dalawa sa isang mamahaling Restaurant sa Bonifacio Global City. Ipinaghila siya ni Samuel ng upuan. Tahimik siyang umupo at iniisip pa rin ang galit na nakita niya sa mga mata ni Brent. Ramdam niyang may problema at nababahala siya roon.“Order everything you like, Anais,” nangingiting si Samuel nang damputin ang menu. Sumulyap si Anais sa menu ngunit mabilis na tiningnan si Samuel. “Hindi pa ako gutom, Samuel. Ano bang napag-usapan niyo ni Mama? Tungkol ba sa…” “I am planning to fund the company and save it from bankruptcy,” deritsong si Samuel habang
Magbasa pa

Chapter 4 - Low Profile

Walang kaalam alam si Anais na seryoso si Brent sa sinasabi niyang tutulong siya sa problema ng mga Shen sa kumpanya. Kahit na malupit ang mga ito sa kaniya, ayaw ni Brent sa ideyang ang Ocampo ang tutulong sa kanila lalo na’t ang huling ginawa ni Samuel sa transaksiyon nito sa isang proyekto ay hindi maganda. “May balak kayong gumawa ng panibagong kumpanya, Sir?” the manager of his company asked when he decided to talk to him privately. Brent established his own company privately. Isa ang kaniyang kumpanya sa malaking business na palihim niyang pinapamunuan. Ang rason kung bakit kilala niya si Samuel dahil isa ito sa gustong pabagsakin at higitan ang kaniyang itinayong kumpanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mahabol habol nito. Tago sa publiko ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan. Tanging ang manager na namamahala ngayon sa kaniyang kumpanya ang nakakaalam na siya ang nasa likod ng maunlad na kumpanya. “I will. Set some meetings for the stockholders,” si Brent sa se
Magbasa pa

Chapter 5 - Manager

“Excuse me. Pupuntahan ko lang si Brent,” paalam ni Anais at nakakuha rin ng rason para umalis na sa grupong iyon. Medyo nakahinga siya nang maluwag ngunit hindi niya itatangging nasasaktan siya sa pangmamaliit sa kaniya ng kaniyang mga pinsan. Sa kanilang lahat, si Anais ang laging napagtutulungan dahil bukod sa angat ang kaniyang ganda, hinihintay lamang ng kaniyang mga pinsan na magkaroon sila ng rason na maliitin ito. At ngayong bumabagsak nga ang kumpanyang itinaguyod ng sarili niyang pamilya na siya pa ang humahawak, nagiging hagdan iyon para apihin siya ng kaniyang mga pinsan. “Brent…” marahan niyang salubong. Brent suddenly remembered his manager’s words. At hindi niya ipagkakailang maganda nga naman si Anais. Halos titigan niya ito kahit simpleng ayos lamang ang inihanda ni Anais para sa sarili. Ngunit presentable siyang tingnan at elegante. Bukod sa matangkad, maputi, ang kaniyang medyo singkit na mga mata at maliit na mukha ay nakadagdag pa sa kaniyang ganda. Tumikhim s
Magbasa pa

Chapter 6 - Jealous

Ang sinabi ng matandang Shen ay medyo nagkaroon ng komusyon sa kanilang pamilya. Everyone's competitive to try the challenge. Para kay Anais ay malaking pagsubok iyon lalo na't alam niya kung gaano kagusto ng kaniyang Tito na pamahalaan ang kompanya ng mga Shen. Natahimik na lamang siya habang nagpatuloy ang diskusyon. Si Brent naman ay pasulyap sulyap sa fiancee niyang tila problemado. Maraming naiisip si Brent para tulungan si Anais. He can hire some clients to invest on Anais. Ginagawa ko 'to dahil alam kong may potensyal siya sa pamamahala. Iyon ang rason niya sa sarili lalo na't nakikita niya na naman ang nakakalokong ngisi ni Mr. Santiago sa kaniyang isip. "Waiter..." ang pinsan ni Anais na si Dianna at pasimple pang sumulyap kay Brent nang magtawag. Brent looked at her coldly. Humagikhik ang mga pinsan ni Anais at nagpatuloy sa kanilang pangungutya kay Brent. "We need more wine, Brent," panggagatong naman ni Michelle na nakaangat ang kilay at nanunuya ang ngisi. Natuon na
Magbasa pa

Chapter 7 - First

Iwinaksi ni Anais ang iniisip niya at naglagay lang ng kaonting lip gloss saka rin lumabas. Ngunit halos magulat siya nang makitang naroon si Brent sa labas, nakahalukipkip at naghihintay. Kanina pa roon si Brent. Hindi niya na dapat susundan si Anais. Ngunit kinakain siya ng iniisip niya. Kuryoso siya kung ano ang pasya ni Anais tungkol sa date na iyon. Kung pumayag siya, ano naman sa'yo 'yon, Brent? Pipigilan mo ba? What for, huh? Because you have a better idea to offer? Ngunit kahit pa ganoon ang iniisip niya, sumunod pa rin si Brent at naghintay na lumabas si Anais sa loob. He stood there patiently holding his thoughts and calming himself to stop from overthinking things. Kailangan niyang malaman ang sagot ni Anais. Umahon ang ulo ni Brent nang matanaw ang paglabas nito. Nakita niya ang medyo pagkagulat ngunit ang mga mata ni Brent ay napunta sa makinang nitong labi. Brent licked his lips and slowly went to her. Tumikhim si Anais at ikinalma ang naghuhuramintado niyang puso d
Magbasa pa

Chapter 8 - Wrong Decision

Hindi matanggal tanggal ang ngiti ni Brent sa gabing iyon. Dala dala niya iyon lalo na’t pakiramdam niya, sa kaonting oras na nagkausap sila ay may koneksyon siyang naramdaman. He’s still in denial that he has a feeling for Anais ngunit ang traydor niyang katawan ay binubuko siya. Out of all the girls he met in the City, hindi maipagkakailang naiiba si Anais. Noong marangya pa lamang siyang namumuhay dahil sa apelyidong dala dala, marami nang ipinagkakasundo sa kaniya. Brent remembered clearly how his mother set him up on a date every week!“She’s nice, hijo! Subukan mo lang…” pangungumbinsi ni Mrs. Sy sa anak na parang tamad na tamad na habang hinuhubad ang tie. “Akala ko ba titigil kana pag pinagbigyan ko iyong una mong hiling, Mama? This is the fifth time…” halos lumubog ang tinig ni Brent sa kunsumisyon para sa inang nangungulit. Lahat ng pinakilala sa kaniyang ina ay hindi niya natipuhan. Yes they’re pretty, elegant and very sexy but for Brent who bed all the kinds of girls i
Magbasa pa

Chapter 9 - Very Busy

Laman iyon sa isip ni Brent habang patungo siya sa loob ng Resort kung saan sila magkikita ni Mr. Saldivar. He couldn't stop thinking about Anais. Maybe it's because of the bikini? But no. Nanatili sa isip niya ang maamo nitong mukha ngunit malamig ang hagod ng mga mata. She's angelic yet her eyes hold fire. It can burn. Binasa niya ang labi at nagkakasalubong na ang kaniyang kilay kung bakit bumabagabag pa iyon sa kaniyang isip. Bumalik din naman siya sa sarili nang makita si Mr. Saldivar na napapaligiran ng mga bodyguards nito. "Mr. Saldivar," aniya nang makalapit at nakipagkamay. "Mr. Sy..." aniya sa makahulugang tinig. "Your Mom personally requested this so I couldn't say no," si Mr. Saldivar na nangingiti. Medyo naguluhan si Brent. He was told by his mother to talk to him about investing on their company, which is the Sy's company. Ngunit sa naging linya nito, parang hindi naman ito ganoon ka hirap kumbinsihin. Pumayag siyang kausapin si Mr. Saldivar dahil nga para hindi n
Magbasa pa

Chapter 10 - Condition

Anais couldn’t help not to feel offended about what she heard. Tinanggihan siya. Alam niya naman na guwapo ito ngunit sa tuwing naiisip niyang hindi siya isang average na babae, sa Chinese na dugong nananalaytay sa kaniyang katauhan kaya pumapaibabaw ang kaputian at kagandahan, alam niya sa sariling hindi siya basta basta. But to think that Brent rejected him felt like an insult. Kahit pa narinig niya na ang paliwanag ni Brent, talagang hindi humuhupa ang nakaangat niyang kilay sa narinig. “Good thing you rejected it. I won’t bother rejecting you personally,” hindi na napigilan ni Anais ang bibig at nasabi iyon sa marahang tinig. The sudden reaction of Mr. Saldivar’s shock expression flashed. Kahit si Brent ay nagulat rin ngunit nakabawi kalaunan. Mr. Saldivar tried to fake a cough and sip his water just to lessen the tension. Ngunit para kay Anais na nakapagbitaw na ng salita na hindi niya man lang pinagsisihan at wala pa sa sariling itinuon ang atensyon sa pagkain na parang wala
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status