Jasmine Ako nga pala si Jasmine Cordova 18 years old, and first year college student sa course na Business Administration sa isang sikat na University dito sa Pilipinas.Nandito ako ngayon sa isang branch ng mall na pag-aari ng pamilya namin. Bibili na kasi ako ng mga school supplies na magagamit ko sa pasukan para sa susunod na Linggo. Abala ako sa pamimili ng gamit ng may biglang lumapit sa akin na mga lalaking gustong makipagkilala. "Hi Miss beautiful!," sabi sa akin ng isang lalaki na mukha naman may itsura, pero mapaghahalataan mo na fuckboy siya. Poker face na tinignan ko lang sila. Wala akong panahon sa mga katulad ng mga ito isa pa, hindi ko sila type wala pa sa vocabularyo ko ang magpakilala sa mga mukhang adik na tulad ng mga ito. Hindi naman sa mapanghusga ako ha. Pero mahahalata mo kasi sa itsura nila. Tsaka priority ko ngayon ay makapagtapos kaagad ng pag aaral upang matulungan ko na ang mga magulang ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin. At isa pa natatakot ako na
Last Updated : 2022-09-13 Read more