Home / Romance / Entrapped To Be His Wife / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Entrapped To Be His Wife : Chapter 51 - Chapter 60

78 Chapters

Chapter 51

CASSIEKADARATING LAMANG namin ni Lalaine galing sa bayan dahil namalengke kami nang madatnan naming nagkakagulo sa bahay. "Ano bang kinain mo?" Mataas ngunit may pag-aalalang tanong ni Tristan kay Marchelly na hawak ang tiyan. Nagkatinginan kami ni Lalaine. "Ano'ng nangyari?" Kaagad namang nabaling sa akin ang atensyon nilang lahat. Maging si Marchelly na namimilipit yata sa sakit ng tiyan ay tumingin sa akin. Nagtaka ako kung bakit matalim ang mga tinging ipinupukol nila sa akin. Lalo na si Mia at Emmanuel na nandito na naman pala. "Siya, Tito!" Mariing sabi ni Mia sabay turo sa akin. "Mia." Tila hindi makapaniwalang sabi naman ni Tristan at binalingan ako. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ako? Teka. Bakit, ano'ng ginawa ko?" Clueless na tanong ko. "Ano ba'ng nangyari?" "Na-food poison yata si Marchelly." "Ha? Saan, Hon?" tanong ko sa asawa ko. "Best actress?" Patuyang angil ni Mia sabay sugod at itinulak ang magkabilang balikat ko. "Hindi ka talaga dap
last updateLast Updated : 2023-08-26
Read more

Chapter 52

CASSIEHINDI naman talaga ako iyakin. Lumaki ako na palaban sa buhay pero ngayon, hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Habang binabalikan sa isip ko ang nangyari kanina ay sumasama talaga ang loob ko. Hindi ko matanggap na pinagdudahan ako ni Tristan. Kahit hindi niya tahasang sinabi pero iyon ang ipinaramdam niya sa akin kanina. Marahas kong pinalis ang mga luha ko saka bumangon mula sa maliit na kamang kinahihigaan ko. Sa halip na magmukmok ay lumabas ako ng kubo at naglakad patungo sa malinis na batis. Naglangoy ako nang naglangoy para libangin ang sarili ko. Pinilit kong iwaksi sa isip ko ang lahat ng iniisip ko. Ayokong lunurin sa sakit ang sarili ko. Mahabang sandali na ang lumipas pero tuloy lang ako sa paglangoy. Nagpabalik-balik ako sa magkabilang gilid at nang mapagod ay saka pa lang ako nagpahinga.Hindi pa man ako natatagalan sa puwesto ko nang maramdaman ko na tila may mga matang nakamasid sa akin. Mabagal ang ginawa kong paglingon at gano'n na lamang ang kabang bumundol
last updateLast Updated : 2023-08-28
Read more

Chapter 53

CASSIE INGAT NA INGAT kong inalis ang braso ni Tristan na nakadantay sa tiyan ko bago bumangon. Lihim akong nagpasalamat nang makabangom ako na hindi siya nagising. Patayo na sana ako nang matigilan ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko dahil sa muling pagyakap ni Tristan sa akin sabay hila pabalik sa kama. Padapa akong bumagsak sa katawan niya."Tristan!" Bulalas ko at itinuon ang kamay sa dibdib niya. "Ano ba?" Pinilit kong makawala sa pagkakayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Bitawan mo nga ako. Ano ka ba?" "Honey..." Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nang tumaas ang kamay niya at masuyong haplusin ang pisngi ko ay pinigilan ko ang sarili kong mapapikit dahil sa kakaibang sensasyon na hatid ng kamay niya. Biglang init ng aking pakiramdam dahil sa ginawa ni Tristan."Honey..." Malamyos na anas niya, saka dahan-dahang umangat ang ulo para abutin ang mga labi ko.Gahibla na lamang ang pagitan ng mukha namin nang maalala ko n
last updateLast Updated : 2023-09-02
Read more

Chapter 54

CASSIENAGISING ako na medyo mabigat ang pakiramdam. Nagtaka ka pa, malamang dahil sa dami ng nainom mo. Sikmat ng kabilang bahagi ng isip ko. Nakapikit pa ang isang mata na bumangon ako dahil bigla akong nagutom. Hinihilot ang ulo na lumabas ako ng kuwarto para maghanap ng makakain sa kusina ni Shiela. "Warfreak pa mor--""Good morning."Napahinto ako at natigilan sa ginagawang paghilot sa ulo ko nang marinig ang boses na 'yon. Ang akala ko'y nagkakamali lamang ako ng naririnig pero nakumpirma kong tama nang muli siyang magsalita. "Masakit ba ang ulo mo?" Mabagal ang ginawa kong paglingon sa pinanggigilan ng tinig na 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita si Tristan. Nakatayo malapit sa kitchen sink habang hawak ang isang sandok, nakasuot din siya ng navy blue na afron. "Masakit ba ang ulo mo?" Tanong niya at lumapit sa akin. Tangka niyang hahawakan ang ulo ko pero umiwas ako habang kunot na kunot ang noo. "Hon..." "Anong ginagawa mo rit--" Kusa akong natigilan nang igala ko ang a
last updateLast Updated : 2023-09-03
Read more

Chapter 55

CASSIETATLONG araw pa ang inilagi ko sa unit ni Shiela bago ko napagdesisyunang umuwi sa bahay ng mga magulang ko. At sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pabalik-balik si Tristan para suyuin ako pero hindi ko siya kinausap. At maging dito sa bahay nila Mama ay hindi siya pumapalya. Araw-araw siyang pumupunta kahit hindi ko siya hinaharap. At dahil doon ay nalaman ni Mama at Papa ang problema naming dalawa pero hindi naman sila nakialam. Hindi naman ako nagmamatigas, napagod na akong maging marupok na isang sorry lang niya ay napapa-oo na niya ako. Gusto ko sana siyang unawain pa pero 'yong hindi niya pag-contact sa akin sa loob ng dalawang araw ang sobrang nakakasama ng loob. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip kung ano ba ang tamang gawin sa amin ni Tristan. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari at napapagod na rin ako sa ganoong sitwasyon. 'Yong mapapatanong na lang ako sa sarili ko na may plano ba siya sa akin? Sa aming dalawa? Ilang araw na akong nag-iisip at nililimi ang sar
last updateLast Updated : 2023-09-04
Read more

Chapter 56

CASSIE"CASSIE?" Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag ni Mama. "Ma." Binitawan ko ang cellphone ko. Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit gising ka pa? Dis-oras na nang gabi, ah." Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Nauhaw lang ho ako, Ma," sagot ko sabay inom ng natitirang laman ng baso ko. Pang-apat na basong tubig ko na ito at busog na busog na ako. Kanina pa ako hindi mapalagay, hindi ako makatulog at makailang ulit kong sinubukang tawagan si Tristan para sana tanungin kung nasaan na. Pero sa huli ay hindi ko itinutuloy. Nagtatalo ang puso't isip ko. "May problema ba?" Pagkuwa'y tanong ni Mama at sinipat ako. "Wala naman ho, Ma. Pabalik na rin ho ako ng kuwarto ko." Tinalikuran ko na si Mama nang muli niya akong tawagin. "Ma." "Naiwan mo," aniya at inabot sa akin ang cellphone ko. "Thanks, Ma. Balik na po ako sa kuwarto ko. Good night, Ma." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at iniwan ko na siya. "Anak." Napahawak ako sa dibdib ko nang muling marinig an
last updateLast Updated : 2023-09-07
Read more

Chapter 57

TRISTAN POV "MARAMING salamat po, Ma." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama sa kabilang linya.Araw-araw ko siyang tinatawagan para kumustahin si Cassie sa kaniya. Apat na araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Cassie. Ilang beses ko pang sinubukan na tawagan siya pero hindi ko na matawagan ang number niya. Ilang beses ko ring tinangka na puntahan siya pero sa huli, bumabalik lang din ako sa bahay kapag naaalala ko 'yong nakikiusap niyang tinig na huwag ko siyang puntahan. "Pasensya ka na, Tristan, kung wala kaming magawa para baguhin ang pasya ni Cassie." "Naiintindihan ko po, Ma. Aminado naman ho ako na malaki ang pagkukulang ko sa kaniya. Patingnan-tingnan na lang ho siya para sa akin." "Huwag kang mag-alala, maayos si Cassie dito. Hayaan mo muna, pasasaan ba't magkakaayos din kayo. Mahal ka ni Cassie, nagpapalipas lang ng sama ng loob 'yon. Marami na rin siyang pinagdaanan simula pa noong lokohin siya ni Jason, ngayon lang siya magpapahinga." Mahahamigan ng kalungkutan
last updateLast Updated : 2023-09-08
Read more

Chapter 58

TRISTAN POV"TITO?" Mabilis kong naitago ang maliit na boteng hawak ko. Naglalaman iyon ng tabletang iniinom ko para sa madalas na pagsakit ng ulo ko. It was just a pain reliever. Laking pasalamat ko nang lumabas ang resulta ng MRI (magnetic resonance imaging) ko at mild injury lang ang natamo ng ulo ko mula sa aksidenteng kinasangkutan ko dalawang linggo na ang nakakaraan. Bagama't hindi naman malala ay kailangan pa rin ng gamutan ayon sa doktor ko. May dalawang klase ng gamot siyang ibinigay sa akin, isang pain reliever at isa para maiwasan ang blood clot. Kailangan din ng tamang pahinga kaya isang linggo na akong nakapirmi lang sa bahay. Kung pupunta man ako sa taniman, para lang bisitahin ang mga tauhan ko. "Bakit gising ka pa?" Tanong ko nang lingunin ko si Mia, na nakatayo sa bungad ng kusina. "Ano 'yong itinago mo?" Balik-tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. "Ano 'yon, Tito?" "Ha? Ah, wala. Cellphone lang 'yon," pagdadahilan ko. "Hindi ka pa rin ba niya kinakaus
last updateLast Updated : 2023-09-12
Read more

Chapter 59

CASSIE POV "ANONG PLANO mo sa anak namin ngayon, Tristan?" Tanong ni Papa nang sabihin namin sa kanila ni Mama na okay na kami ni Tristan. Magkakaharap kami sa dining table at kasalukuyang naghahapunan. Bago sumagot ay ginagap muna ni Tristan ang kamay ko at tumingin sa mga magulang ko. "Magsisimula ho ulit kaming dalawa. Si Cassie po ang hahayaan kong magdesisyon kung saan niya kami gustong tumira. May sariling bahay naman ho ako rito sa Maynila, puwede po kami roon kung gusto niya," aniya at bumaling sa akin. "Ano sa tingin mo, hon? Ikaw ang magdesisyon dahil puwede ako kahit saan basta kasama kita." Napatikhim si Papa dahil sa walang prenong bibig ni Tristan. "Hon?" Naghihintay ng kasugatan ang kaniyang mga mata. "Kahit saan." Maikling sagot ko. Pasimple kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya binibitawan 'yon. Pinamulahan ako ng mukha nang mahuli kong ngumisi si Papa at Mama habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tristan at sa mga kamay nami
last updateLast Updated : 2023-09-14
Read more

Chapter 60

CASSIE POV"HUWAG PO kayong mag-alala, Misis. Hindi po kayo dapat mabahala dahil hindi naman po talaga malala ang lagay ni Mister. Kinakailangan lang po talagang uminom niyan dahil sa mild injury na natamo niya sa aksidenteng iyon, but I assure you na malayo sa panganib ang asawa mo. Huwag ka nang mag-alala, Misis." Magiliw na paliwanag ng doktor ni Tristan na ngayon ay kausap ko sa telepono. Pagkatapos kong malaman ang dahilan kung bakit umiinom ng anticonvulsant si Tristan ay hindi na ako mapakali. Kahit sinabi na niya sa akin na hindi naman malala ang lagay niya ay hindi ako naniwala sa kaniya. Gusto kong makasiguro dahil hindi biro ang magkaroon ng problema sa utak. Kaya nang i-suggest ni Tristan na kausapin ko ang doktor niya para malaman kong nagsasabi siya ng totoo ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik na pumayag. At kaagad nga niyang idinial ang numero ng clinic ng doktor na tumitingin sa kaniya. "Regular naman po ang check up ng Mister niyo, Misis, kaya sure ako na maayos lang
last updateLast Updated : 2023-09-15
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status