"Okay, tapos na," nakangiting sabi n Lea."Ang ganda!" nakangiting sabi ni Zaira habang nakatingin sa salamin,Naging light ash blonde ang kulay ng buhok niya at katulad ng sinabi niya: nilagyan siya ng bangs at ginawang layer ang mahaba niyang buhok.Tinignan niya si Max; may kaparehas niya ito ng kulay ng buhok."Bagay ba?" tanong ni Max.Ningitian niya ito saka nagthumbs up."Parehas tayo ng kulay," masayang sabi ni Zaira."Ito na po bayad," sabi ni Max sabay abot ng P1000 kay Lea."Teka may sukli ka pa," sambit ni Lea nang biglang hilain palabas ni Max si Zaira."Sa inyo na po yan," tugon ni Max.Sumakay na sila ng bike at sa harap na ulit nakaupo si Zaira."Mall tayo?" tanong ni Max habang nagbibisikleta."Anong gagawin natin doon?" pabalik na tanong ni Zaira,"Ililibre mo ko, natalo ka sa basketball."Napasimangot si Zaira."Akala ko pa naman nakalimutan mo na yun." Ngumiti lang si Max bilang tugon."Uwi muna tayo. Kulang dala kong pera," sambit ni Zaira,"Sige, iwan ko na rin
Huling Na-update : 2022-09-05 Magbasa pa