Home / Romance / Carrying My Ex-Boyfriend's Child / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Carrying My Ex-Boyfriend's Child: Kabanata 41 - Kabanata 50

56 Kabanata

Chapter 40: New Beginning

NIKITA"Saglit lang, 'nak. Aw, ayaw man tumigil sa pag-iyak ng bata." Pag-aaliw ko sa anak ko sanay kuha sa kaniya sa crib.Alas dose na ng gabi pero ito ako, gising pa rin, I mean nagising dahil sa iyak ni Levi. Sinilip ko ang loob ng diaper nang may maamoy akong mabaho. Tama nga ang hinala ko, he pooped on his diaper. "Aw, kawawa naman ang baby ko. Nag-popoo ikaw sa kalagitnaan pa talaga ng gabi." Mabilis ko siyang hiniga sa kamay ko at kumuha ng lampin para isapin muna bago siya palitan ng diaper. Kumuha na rin ako ng petroleum jelly para ipahid sa pwet niya in case na magka-rashes. It's been 3 weeks simula noong manganak ako at ganito lagi ang routine ko sa araw-araw. Magtatrabaho sa umaga, all day nanay sa anak ko. I worked from home dahil 'yun lang ang paraan para payagan ako ni Hanz na magtrabaho ulit habang pinag-aaralan ang pagiging nanay. Hindi ko pa pwedeng iwan sa Levi sa nanny kahit hindi pa man ako nakakakuha. Pinagpaplanuhan ko kasi talagang mag-hire para naman makapa
last updateHuling Na-update : 2022-11-01
Magbasa pa

Chapter 41: Her Baby's Father

KENT"Sabi ni Nanet hindi ka raw umuwi kagabi. You went home 4:00 am to take a shower, then get in the office again. As I remember, maaga ka ring nag-time out kahapon. So where was you last night?" Bungad sa akin ng nanay ko pagpasok niya ng opisina. Napaangat ako ng ulo sa kaniya kasabay ng pagtanggal ko ng kamay kong minamasahe ang sintido ko. Parang may ugat na tumitibok sa utak ko sa sobrang sakit dala ng hangover tapos mukhang dadagdagan pa ng bunganga ng nanay ko ngayon. "Malaki na ako, Mom. Hindi ko na kailangan ipaalam sa inyo ang lahat ng lakad ko." Sagot ko rito. "Oh come on, Kent. What are you doing to yourself? You look like a 50-year old man sa tumutubo mong bigoteng hindi naman bagay sa 'yo. Ganiyan ba ang mukha ng magiging CEO ng company natin?" Itinuro pa niya ang pagmumukha ko. She's so concern with my looks. Tinamad lang naman talaga akong mag-shave dahil laging pagod sa trabaho. Sa trabaho ko nalang ibinuhos ang oras ko kaysa magmukmok kakaisip ng gawing katutur
last updateHuling Na-update : 2022-11-03
Magbasa pa

Chapter 42: Painful Visit

NIKITAPinunasan ko muna ang kamay ko bago sagutin ang tawag ni Mara. Pagkapindot ko ay mukha niyang nakasimangot agad ang bumungad sa akin. Binigyan ko rin siya ng nagtatakang tingin. Badtrip na naman 'to marahil dahil kay Terrence na hanggang ngayon ay pinoproblema niya pa rin kung sasagutin ba niya o hindi. "Problema mo na naman kay Terrence?" Tanong ko rito habang sumusubo ng kanin at bacon. Hindi ko na kinaya ang no rice in one week, nagugutom pa rin talaga ako. [G*ga hindi siya. Mamaya ko na ikukuwento 'yan. 'Yung magaling mong ex kasi pumunta sa bahay kanina nagtatanong kung sino raw ang ama ng anak mo.]Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Mabuti na lamang at nginunguya ko palang ang kinakain ko dahil kung hindi ay baka nabulunan na ako. Mabilis kong kinuha ang baso at sinalinan ng juice saka ininom para malunok ko agad ang kinakain ko. "Ha? A-anong sabi mo?" Kinakabahan kong tanong. Para akong tinakasan ng kaluluwa dahil sa sinabi niya. Paano nalaman ni Kent na may anak na
last updateHuling Na-update : 2022-11-15
Magbasa pa

Chapter 43: Levi's 1st Birthday

..Makalipas ang siyam na buwan..NIKITAIt's my baby's 1st birthday. Simple lang ang salo-salo na hinanda ko. Only my parents, Hanz, at 'yung ibang co-workers ko ang nandito ngayon. Gusto sana nila Mama gastusan ng malaki dahil unang apo raw nila si Levi at dapat lang daw ibigay namin ang pinakamainam, kaso umayaw ako. Umayaw ako, hindi dahil sa pinagdadamutan ko ang anak ko, naisip ko lang na ipunin ang perang panghanda ko para sa kinabukasan ni Levi. Nakakahiya rin kasi sa kanila ni mama. Baguhan palang ako sa trabaho kaya maliit palang ang sahod ko at ayoko ng umasa sa pera nila mama at papa kahit sabihin pang regalo nila 'yun sa anak ko. Isa pa, nag-iipon din ako para sa clothing business na ipapatayo ko. Pero kahit na ganoon, siniguro ko na ang pinakamainam pa rin ang maibibigay ko para sa anak ko. Kahit papaano ay gusto ko pa ring bigyan siya ng magandang selebrasyon para matuwa naman siya paglaki niya. I made a reservation on this small restaurant and the theme is anime charac
last updateHuling Na-update : 2022-11-18
Magbasa pa

Chapter 44: Hanz and Ichiel (Part 1)

HANZ[Hoy Wizard na Pagong, bilisan mo na. Nandito na si Mr. Diwa, baka want mong paghintayin ang kawawang matanda?] Sabi sa akin ni Nikita. Siya kasi ang secretary ko kaya siya ang nagpapaalala sa akin kapag may meeting ako with some personnel. Ngayon ay ay may makikipag-usap sa 'kin na malaking tao kaya nakakapangit sa image ko kung male-late ako sa meeting kaya tawag nang tawag si Nikita. Natagalan kasi ako ng gising dahil alas tres na ng madaling araw ako nakauwi ng bahay. Nagpunta ulit ako sa Pilipinas at kagabi lang ako nakauwi. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako natulog. Nakakainis! Tapos nabadtrip pa 'ko dahil medyo traffic and nagmamadali ko. Minsan lang magkaroon ng traffic sa America but today is the worst. Nagkaroon daw kasi ng buhawi kanina kaya may mga napinsala. Talagang sumasabay pa sa araw na nagmamadali ako. "Ok, I'll be there soon. Wait lang, Witch. Entertain mo muna sila." Sabi ko nalang.[Sige sayawan ko ng Careless Whisper.] Natawa nalang ako kahit nababad
last updateHuling Na-update : 2022-11-26
Magbasa pa

Chapter 45: Hanz and Ichiel (Part 2)

HANZ Kasalukuyan akong nagtitipa sa laptop ko nang may kumatok. "Come in." Saad ko. "Sir, someone wants to see you." Sabi sa akin ni Nikita, ang secretart ko. Napakunot ang noo ko. Akala ko ba wala akong ka-meeting ngayon? "Sino raw?" Tanong ko at sumandal sa swivel chair. Ugh, my back, parang ngayon ko lang naisandal sa tanang buhay ko. Hindi ko kasi napansin na tuloy-tuloy pala ang trabaho ko rito, hindi na naisip ipahinga saglit ang likod ko. "Anak ni Mr. Diwa, 'yung babaeng kinabubwisetan mo." Natatawa niyang balita kaya napaayos ako ng upo. 'Yunh 'halimaw na babae' ang naghahanap sa akin. Ginagawa naman no'n dito? Mang-aaway? Napabuntong-hininga nalang ako at nagtipa ulit sa laptop para i-save ang document na ginagawa ko. "Sige papasukin mo na. Ingat, baka kagatin ka no'n." Tanging lumabas sa bibig ko. "Ikaw ang mag-ingat, baka ikaw ang kumagat. Roar!" May kasama pa talagang galaw ang hirit ng baliw kong kaibigan. "Baliw! 'Kala mo sa 'kin, papatol do'n?" Binigyan k
last updateHuling Na-update : 2022-12-05
Magbasa pa

Chapter 46: Bad News

After Five YearsNIKITA"Levi, remember what I told you. Always listen to your nanny. You behave. Don't be so naughty, okay? I'll be back this evening." Habilin ko sa anak kong nagkukusot pa ng mata. Kumuha kasi ako ng magbabantay sa anak ko habang nagtatrabaho ako. Bumukod na rin kami kay Hanz dahil masyado ng nakakahiya sa kaibigan ko. Pilipino rin ang nakuha kong nanny. She's an Overseas Filipino Worker. Natuwa na rin ako dahil sobrang bait at kababayan ko si ate Marites. She's from Cagayan de Oro at kaya siya nag-ibang bansa para tustusan ang pag-aaral ng tatlo niyang anak na ngayon ay pare-parehong nasa highschool na kaya malaki-laki na ang gastusin. "Ate 'yung baon nga po pala ni Levi nilagay ko na sa ref, reheat niyo nalang po kapag papasok na siya sa school." Sabi ko kay ate Marites habang naglalagay ng baon sa baonan ko. Yes, Levi is attending preschool class. He's smart actually. Tinuturuan palang ang iba niyang kaklase ng alphabet siya marunong ng magbasa ng simple words
last updateHuling Na-update : 2022-12-23
Magbasa pa

Chapter 47: When We Meet Again

NIKITA Tanghali na nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa bansang Pilipinas. Karamihan sa mga kasama kong bumaba ay mga Pilipino, sa pakiwari ko. Bumungad kaagad sa balat ko ang init na nagmumula sa araw. Napakurap ako para ayusin ang false eyelashes ko. "Your passport, Ma'am?" Tanong sa akin ng nasa immigration kaya kaagad ko ring inabot dito ang passport ko. It's still the same airport kung saan ako umalis papunta ng America. Agad kong tinawagan si mama nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nag-alok ito na sunduin ako kaso tinanggihan ko. Tinanong ko nalang kung saang ospital naka-confine si papa para doon na lamang ako dumiretso. Pagtapos ng mahabang prosesyon sa loob ng airport ay tuluyan na nga akong nakalabas. Pumara ako ng taxi saka sumakay. Kaunting gamit lang ang dala ko dahil hindi rin naman ako magtatagal. Babalikan ko rin agad ang anak ko sa America. Isang oras mahigit ang tinagal ko sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Mas lumala pa yata ang traffic sa Pinas
last updateHuling Na-update : 2023-02-16
Magbasa pa

Chapter 48: Kent and Levi

NIKITA"How's your sleep, son?" Tanong ko sa anak ko.Gaya ng palagi naming ginagawa, tinatawagan ko ang anak ko pagkauwing-pagkauwi. Ang gabi kasi rito ay umaga sa kanila kaya sa gabi ko lang din siya nakakausap, minsan nakabusangot pa. Palagi niyang tinatanong kung kailan ako uuwi o kung uuwi pa raw ba ako? Miss na miss na nga talaga ako ng anak ko. Dahil malapit na rin naman ang summer break nila ay nakiusap ito sa akin na kung pwede ay magbakasyon siya rito sa Pilipinas. Sakto rin at graduation ng anak ni ate Marites sa susunod na buwan kaya kailangan niyang dumalo. Mukha ngang matatagalan pa 'ko rito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay si papa. "Where's your tito Hanz?" Tanong ko rito. [He's upstairs. Mommy, when are you coming home?] Papikit-pikit pa nitong tanong. Nakita ko rin si ate Marites na naglalagay ng pagkain sa plato niya. Mukhang nasa taas pa nga si Hanz. [Ay naku, Nikita. Hindi yata 'yun nakatulog kagabi. Nag-away sila no'ng 'gerlpren' niya.] Pakik
last updateHuling Na-update : 2023-07-18
Magbasa pa

Chapter 49: A Second Chance

NIKITA "Sigurado ka ate na Kent ang pangalan no'ng nakita ni Levi si mall?" Paninigurado ko pa. "Oo, ayun ang sabi. Bakit?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni ate Marites. Sana hindi iyun ang Kent na kilala kong mahilig din magbasa ng ganitong klaseng libro. "Wala naman po." Patay-malisya kong turan saka tumalikod para sundan ang anak kong busy na sa pagtingin nong mga libro sa kwarto. Unang araw palang ninenerbyos na 'ko. Hindi talaga malabong hindi magtagpo ang landas ng dalawa. Pero kung hindi ko man talaga ito maitatago nang habang panahon, sana bigyan lang muna ako nito ng kaunting panahon para ihanda ang sarili. "Levi." Tawag ko rito saka lumapit. "Mommy, there's this guy that gave me this. He told me that I reminded him of himself when he was younger. He also likes reading." Tuwang-tuwa nitong kwento. "Yes I heard from ate Marites. But next time, anak, don't accept anything from strangers, okay?" "Okay, but I can keep this right?" Tanong pa
last updateHuling Na-update : 2023-07-19
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status