Naalimpungatan ako nang may maulinigan ako sa baba na parang may naglalakad.Dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto para sipatin kung sino o ano iyon. Kinakabahan ako. Wala pa man din si Uncle dito.Imposibleng multo iyon dahil hindi naman ako naniniwala sa ganun. O, maski na magnanakaw pa. Takot lang nila sa Uncle kong Pulis.Dahan dahan akong naglakad palabas at kinuha sa gilid ang walis tambo.Patungo sa kusina ang mga yabag kaya lakad takbo ang pagpunta ko roon.Binuksan ko ang ilaw at akmang hahampasin kung sino man ang nakapasok sa bahay namin nang mamukhaan ko kung sino iyon.Si Uncle lang pala iyon.Natatawa itong napatingin sa akin habang nakailag parin."Jusko, Uncle. Akala ko kung sino na." Daing ko sa kanya. Binaba ko na ang hawak kong walis."Pasensya ka na at hindi na kita ginising. Baka kasi kasarapan ng tulog mo." Dahilan ni Uncle. "Oh, ito. Binili ko. Baka nagugutom ka." Sabay abot sa akin ni Uncle ng supot. May laman itong mami na siyang paborito ko.Pero bago ko
Last Updated : 2022-08-13 Read more