Home / Romance / A one night stand's fall out / Chapter 21 - Chapter 24

All Chapters of A one night stand's fall out: Chapter 21 - Chapter 24

24 Chapters

Twenty One

Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At
Read more

Twenty Two

Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Read more

Twenty Three

Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Read more

Twenty four

Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status