“LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell
Last Updated : 2024-02-06 Read more