After ng double date namin nila beshy. Nandito kami ngayon sa bahay at dahil off ko naisipan naming mag movie marathon ni beshy. Kanina pa panay tawag ang boyfriend ko, pero hindi ko ito sinasagot man lang. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang ginawa niya nang gabing 'yon. Hindi ko alam anong naisipan niya at bakit nagawa niyang landiin ako at muntik pa kaming nahuli ni beshy.. May pa under table pa kasi siyang nalalaman. Kainis!! Bigla na lang kumabog ang dibdib ko at hindi na naging normal ang pag tibok ng puso ko. Aminin ko man o hindi nagustuhan yata ng puso ko ang namagitan sa amin sa comfort room ng boss/ boyfriend ko. "Beshy," tawag pansin ni Andrea. Kagyat nawala sa isipan ko ang mga tumatakbo roon."Bakit?" "Wala naman tulala ka r'yan. Ano tuloy pa ba?" tanong nito."Oo, naman!" "Sige, maghahanda lang ako ng popcorn at silipin ko na rin si Axel sa itaas." ani niya."Sige." Nang maka layo si beshy, sinagot ko na ang tawag ng boss ko. "Good morning, Love. Are you busy
Last Updated : 2022-12-13 Read more