Napabaling ang atensyon ni Jarred sa pintuan ng opisina ng bumukas iyon. Sumilip ang ulo ng kaniyang Sekretarya na si Iyah."Sir, busy po ba kayo?" tanong nito. Umiling siya. Patapos na kasi ang ginagawa niya at katatapos lang niyang kausapin ang kaniyang maybahay at kinamusta ito. Ang sabi nito ay hindi pumasok si Ronnel at hindi nagpadala ng email rito kung bakit hindi ito pumasok. Dahil ba sa nangyari kahapon kaya hindi ito pumasok? Kung anuman ang dahilan nito ay wala na siyang pakielam. "Hindi naman, bakit po?" magalang niyang tanong. Mas matanda ito sa kaniya kaya marapat lamang na lagyan niya ng "po" kapag kinakausap niya ito. Tuluyan na itong pumasok sa opisina. "Nais po kayong makausap ni Mr. Viesta, Sir. Papasukin ko na po ba?" Tumango siya bilang tugon. "Sige, papasukin mo na." aniya. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ang bisita niya."Pasok na po kayo, Mr. Viesta." anito. Pumasok si Mr. Allan Viesta, nang magtama ang kanilang mga mata ay ngini
Последнее обновление : 2022-09-10 Читайте больше