Danerie James’ Point of ViewNagising ako dahil sa ingay nang paligid. Mga tumitilaok na manok at tumatahol na mga aso. Masyadong nakakarindi sa tenga, nasaan ba ako?Hindi ko pa man tuluyang namumulat ang mga mata ko, ramdam ko na agad ang hapdi sa ibang parte ng katawan ko. May sobrang tinding sakit ang nararamdaman ng kaliwang binti ko, parang nangangalay naman ang kanang braso ko at medyo mahapdi rin ang noo ko.Medyo nahihilo rin ako, ano bang nangyari? Ang natatandaan ko lang eh malakas ang ulan, tatakas ako sa kasal ko, sobrang bilis ng pagpapatakbo ko sa sasakyan tapos biglang may babaeng dumaan. Hindi ko na-kontrol ang manibela. Tapos—Shit!Napamura ako sa isip ko nang matauhan sa nangyari, sumalpok sa puno ang kotse ko at nawalan ako ng malay. Kaya ba masakit ang katawan ko ngayon.Teka, buhay pa ba ako? Baka naman nasa langit na ako kaya nakakarinig ako ng tilaok ng manok. Sabi nila may manok daw si San Pedro sa langit. Lord hindi ka naman mabiro, gusto ko lang talagang tu
Last Updated : 2022-07-06 Read more