Lumabas siya ng sasakyan habang naka-alalay ang kaniyang dalawang bodyguards sa kaniya. 'Yong isa may hawak na payong dahil mainit ang panahon at 'yong isa naman hawak lahat ng gamit niya. Inalis niya ang sunglasses nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng mansyon. Sinalubong siya nang mga kasambahay at yumuko ang mga ito kaya't tinanguan niya naman. Mabait naman siya, sa mga karapat dapat lang nga pakitaan ng kabaitan."Magandang tanghali po, madam Lauren." Bati pa sa kaniya ng iba. Tinanguan niya lang ang mga ito at dumeretso sa loob ng mansyon."My princess is here," lumawak ang ngiti niya nang makita ang grandpa niya. "Grandpa!" sinalubong niya ito ang mahigpit na yakap, sobrang na-miss niya kasi ito."Mabuti naman at umuwi ka rin, akala ko hindi mo na ako nami-miss." Ngumiti siya rito ng malawak at muli itong niyakap."Siyempre naman grandpa, i miss you and this place, of course.""Fix your things first and go back here, marami akong pinahanda na pagkain para sa'yo." Tumango
Last Updated : 2022-07-01 Read more