"Hindi ka pupweding sumama," seryosong pahayag ni Theo na ikinakunot ko ng noo. Bumaling s'ya kay Ryder. "Hindi kita sasamahan na makuha ang girlfriend mo kapag sumama s'ya. Ako ang malalagot kapag nanggulo s'ya sa selebrasyon ng Dead moon," dugtong nito. "I won't interfere. I promise. Wala naman dahilan para gawin ko ang bagay na 'yon," depensa ko. "Huh! Talaga ba?! Kahit makita mo s'yang nakaluhod sa harap ng maraming bampira habang may nakatutok na espada sa leeg n'ya ay hindi ka makikialam?" tanong ni Theo na para bang hinahamon n'ya ako sa magiging sagot ko. "Hindi. I don't even know her nor remember. Please, let me come. Si Thana lang ang pakay natin 'don kaya s'ya lang ang magiging prioridad ko at wala nang extra baggage," pagpupumilit ko. "You don't know what you're saying, Reiner." Nakita ko ang mahigpit na pagkuyom ng mga kamao ni Ryder. "She's my mom. Kahit hindi n'ya ako kilalaning anak n'ya ay ina ko pa rin s'ya. Masakit sa akin na makita s'yang nasa ganoong sitwasyon.
Last Updated : 2022-08-03 Read more