Shine's POVAlas kwatro na ng madaling araw, pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kaya naman naisipan kong bumaba sa kusina at uminom ng gatas, pero nagulat ako sa nadatnan ko sa kusina.Si chad nakayukyok sa kusina habang may dalawang bote ng beer sa ibabaw ng lamesa.Agad akong lumapit at kinalabit ito, pero hindi ito kumikilos, nalasing nga ata talaga ito...''chad lasing kana umakyat kana sa taas, wag ka dito matulog sasakit ang katawan mo.'' sabi ko dito saka ko ito niyuko upang makita yung mukha nito...Napangiti ako habang panatag itong nakapikit at natutulog, kaya naman malaya ko tuloy nakikita ung bawat parte ng mukha nito, na sa totoo lang ay miss na miss ko, nagawi rin sa paningin ko ang labi nito na kasama rin sa namimiss ko..Pero mali itong iniisip ko, kaya naman dahan dahan na sana akong tatayo pero bigla itong dumilat, kaya nagka titigan kami, nakita kong nagulat ito base sa naging reaction nito, kaya nataranta ako kung paano ko dito ikakatwiran ang nakita nito.''
Huling Na-update : 2022-07-07 Magbasa pa