"Alam ko na hindi ako karapat-dapat kay Hayden, pero lagi namang umaasa ang mga tao na umangat. Bakit hindi ako puwedeng maghanap ng lalaking mas mabuti sa akin? Ipinapahiwatig mo bang dapat akong mag-asawa ng kasing hirap ko dahil mahirap ang pamilya ko?" matapang na sagot ni Shelly kay Seraphina."Ha! Naiintindihan ko ang iyong hangaring umangat," tugon ni Seraphina."Totoo ngang mas mataas ang aking layunin sa buhay, ngunit kahit hindi si Hayden ang CEO ng Dream Maker, mahuhulog pa rin ang loob ko sa kanya," namula si Shelly."Ahh, kaya pala in love ka sa kanya. Kung ganon, huwag kang maging pabigat sa kanya. Alam mo ba ang mga pagsubok na kinakaharap ng kompanya ni Hayden sa China?" tanong ni Seraphina.Umiwas ng tingin si Shelly.Kamakailan lang sila nag-umpisang mag-date ni Hayden, at wala siyang alam sa mga negosyo nito. Bukod pa ron, kahit sila pa ay magpakasal, dahil sa ugali ni Hayden, malamang na hindi niya ito ibabahagi kay Shelly dahil hindi niya ito maiintindihan."
Magbasa pa