Home / Romance / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Kabanata 2761 - Kabanata 2770

Lahat ng Kabanata ng Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Kabanata 2761 - Kabanata 2770

3175 Kabanata

Kabanata 2763

Hindi niya rin nagustuhan ang sinabi nito na kaya nitong pumasa kahit hindi na ito mag aral.“Huy! Baka naman mali ang pagkakaintindi mo ha? Ang benefit na sinasabi ko ay ang talino at kasipagan na namana ko kina Mommy at Daddy. Ha ha! Baka hindi mo naitatanong pero magaling talaga ako sa school.” Nattawang paliwanag ni Robert. "Robert, baka ako ang pinakawalang talento sa pamilyang ito." Malungkot na umupo si Ivy sa dining table. "Kailangan kong mag-aral nang mabuti para maintindihan ko ang sinasabi ng lecturer.""Alam mo ba kung ano ang mga pinagdaanan ko noong bata pa ako?" sabi ni Robert habang nakatitig sa mga mata ni Ivy. "Noong bata ako, hindi mabilang na mga one-on-one classes ang mga inatenan ko, at hindi lang yun dun natatapos! Marami rin akong mga naging kaklase na iba’t-iba ang grade! Wala akong ibang ginawa kundi ang mag notes ng mag notes hanggang sa makapasok ako sa university. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa mga pinagdaanan ko noon kasi ngayon nagbubunga an
Magbasa pa

Kabanata 2764

Nahihiya na napayuko si Ivy. "Hindi ko yata kayang gawin iyon, Robert.""Ha? Sagutin mo lang ang tanong ko kung gusto mo bang maging CEO ng isang kumpanya, at itigil mo muna ang pag-iisip kung karapat-dapat ka. Wala namang pinanganak na lider kaagad.” Sa tingin ni Robert, ang isang taong kalmado at tahimik na tulad ni Ivy ay bagay na maging isang lider.Medyo naguluhan si Ivy.Bago mag summer, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang makahanap ng trabaho na para makapag ipon. Kahit kailan, hindi niya naisip na kumuha ng kursong hindi niya naman magagamit kaya paano niya pa kaya maiisip na mangarap na maging isang lider?"Kitra mo, nag-aalangan ka." NIlagyan ni Robert ng isang pork rib ang plato ni Ivy at nagpatuloy, "Ibig sabihin gusto mo. Hindi katulad ko na sigurado ako hindi ko talaga gustong maging isang CEO.""Eh ano bang gusto mo?" tanong ni Ivy."Hmm… Kung sasabihin ko ba sa iyo na wala akong ibang gusto kundi ang magpahinga sa hanggang sa mamatay ako, matatawa ka ba sa a
Magbasa pa

Kabanata 2765

Sa tingin ni Robertmagiging karangalan din naman ng kahit anong TV station na maging intern si Ivy! Isa pa, hindi man si Ivy ang makuha sa gusto nitong station, marami pa namang iba jan!”...Matapos tawagan ni Layla, pumunta kaagad si Elliot sa bahay nina Mr. at Mrs. Santos.Tumawag si Layla dahil may nangyaring hindi maganda.Habang sila ay kumakain ng tanghalian, nasobrahan si Mr. Santos sa pag inom ng alak kaya nalasing ito. Umiiyak ito at nagpupumilit na idonate ang puso nito kay Eric. Takot na takot si Layla.Walang basa sa mundo ang pumapayag na maging donor ng organ ang isang buhay na tao, kaya ang ginagawa ng karamihan ay nagiging organ pledgers sila o yung mga nagbibigay ng pahintulot na idonate ang kanilang mga organ sa oras na mamatay sila.Kaya nagmamadaling pumunta si Elliot at medyo matagal din niyang napakalma si Mr. Santos at nakumbinsing hindi yun magandang ideya. “Eh diba kailangan di ng anak ko ng baga? Pwede kong idonate yung akin!” Ramdam sa mga mata
Magbasa pa

Kabanata 2766

"Sa oras na magising si Eric at malaman niyang isa sa inyo ang nag donate sakanya ng puso, sa tingin niyo ba gugustughin niya pang mabuhay?” Seryosong tanong ni Elliot. "Maniwala tayo kay Avery. Magiging okay si Eric."Tumango ang dalawa."Wag niyo rin masyadong ipressure si Avery. Ihahanda namin ang mga sarili namin sa lahat ng posibilidad.” Sabi ni Mr. Santos."Wag kayong mag alala, naiintindihan ko ang pinagdadaanan ninyo at gagawin namin ang lahat para maligtas siya," sagot ni Elliot."Salamat."Habang nasa byahe, ibinaba ni Layla ang bintana. Napatingin si Elliot. "Layla, isara mo ang bintana. Baka magkasakit ka.""Medyo naiinitan po ako, Daddy.""Nakalimutan mo na ba ang bilin ng Mommy mo? Mahina ka pa raw kaya hindi ka dapat masyadong malamigan."Sinenyasan ni Elliot ang driver, na agad namang sinara ang bintana.“Parang sobrang laki ng itinanda ng Mommy at Daddy ni Eric…” Malungkot na sabi ni Layla habang inaalala ang mga nangyari kanian. "Kahit naman walang nangy
Magbasa pa

Kabanata 2767

Medyo nagulat si Ivy, “Ah… eh… may gagawin kasi ako ngayong gabi… Pasensya ka na pero Happy Birthday!” Mukhang unasahan na ng babae ang naging sgaot ni Ivy kaya nanatili lang itong kalmado, pero may isang babae ang naiinis na nakisabat, “Ivy, parang hindi ka pa sumasama sa kahit anong activity ng klase natin? At talagang tinanggihan mo pa si Gloria sa mismong birthday niya? Grabe! Sobrang mapag mataas mo naman!”"Pasensya na talaga, pero may importanteng gagawin kasi ako ngayong gabi," sagot ni Ivy. "Makakasama sana ako kung kahapon o bukas kayo nag invite.""Okay lang." Ngumiti si Gloria."Naniniwala naman ako na talagang busy ka.""Pasensya na talaga!" Muling sabi ni Ivy bago siya umalis.Pagkaalis ni Ivy, naiinis na humarap ang babae kay Gloria, "Nag papart-time ba siya o ano? Bakit ba palagi nalang siyang nagmamadali?” "Hindi ko alam," sagot ni Gloria. "Hindi naman siya nagsasabi ng kahit anong tungkol sa sarili niya."“Baka naman dahil nahihiya siya sa sarili niya! Balit
Magbasa pa

Kabanata 2768

"Hindi. Hindi naman siya nagkwekwento ng kahit anong tungkol sakanya, pero alam ko yun. Kaya pwede ba? Itigil niyo na yang paninira ng iba at para sa akin, ikaibigan ko siya," sabi ni Meredith.“Oo naman! Wala rin naman akong personal na galit kay Ivy kaya ayokong magsalita ng kahit ano. Isa pa, ayoo rin sa mga backstabbers. Pero… paano ba kayo naging magkaibigan ni Ivy kung palagi naman siyang mag isa?”"Kinausap ko siya.""Ah, pero hindi naman siya sa ating klase."“Ah… pero hindi naman natin siya kaklase diba?”"Oo nga, pero parehas kami ng major."“Hmm Meredith… diba kakasabi mo lang kanina na galing siya sa napaka yamang pamilya… Gaano ba talaga siya kayaman? Mas mayaman pa siya kaysa sainyo?” Curious na tanong ng babae.“Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung gaano kayaman ang pamilya ko, kay Ivy pa kaya? Hays! Wag na nga nating pag usapan ang tungkol dun! Ang mas maganda ay mag focus nalang tayo sa mga pag aaral natin nang magkaroon naman tayo ng pag asang makahanap ng ma
Magbasa pa

Kabanata 2769

“Mhm! Kaya nga siya ang kinuha kong maging tutor mo eh!” Tinapik ni Robert ang balikat ni Ivy at sinabi, “Sige na, tama na yan. Pumasok na tayo. Wag kang mag alala, nandito kami ni Daddy kung natatakot ka at ang pagkakaalam ko ay sa bahay din naman gaganapin ang mga klase niyo tuwing weekends. Huminga ng malalim si Ivy at sumunod nalang kay Robert papasok. "Daddy," Bati ni Ivy at saka niya binati si Harry, “Masaya po akong makilala kayo, Mr. Gadner.” Kumpara sa nakikita niya sa TV, di hamak na mas maamo ang mukha ni Harry sa personal. Ngumiti ito sakanya at mahinahong sumagot, “Hello, Ivy. Kamusta ka? Kagagaling mo lang ba sa school? Sa Southern University din ako grumaduate.” Nakangiting bati ni Harry habang nakikipg kamay kay Ivy.“Opo..Sa totoo lang ay nagsearch na po ako ng tungkol sainyo kasi idol ko po kayo.” Nahihiyang sagot ni Ivy.Sinenyasan ni Elliot si Ivy na umupo sa pagitan nila ni Harry. Agad namang umupo si Ivy.“Nagkwentuhan na kami ni Harry kanina at nabang
Magbasa pa

Kabanata 2770

Alam ni Ivy na kumpara sa mga kapatid niya, di hamak na mas malaya siyang gumawa ng mga desisyon lalo na at kababalik niya lang sa pamilya niya. "Susubukan ko po munang maging isang TV host!" sagot ni Ivy. "Hindi ko po alam kung ano ang naghihintay sa akin sa hinaharap pagkatapos kong grumaduate kaya iisipin ko nalang po siguro yun kapag dumating na ang panahon na yun.”"Mhm. Basta lagi mong tatandaan na hindi mali ang magkamali at anuman ang gustuhin mo, palagi lang akong nandito para suportahan ka.""Salamat, Daddy."“Hindi mo ako dapat pasalamatan at masaya ako na may nagawa ako para sayp.” Tinignan ni Elliot si Ivy. “Gusto mo bang matutong magdrive? Okay lang naman kung ayaw mo rin.”"Gusto ko po, pero sa ngayon, wala pa po akong oras."“Sa bakasyon mo, pwede mong sabihan ang driver natin na turuan kang mag drive, at kapag marunong ka na, kumuha ka na rin ng lisensya mo.” Sabi ni Elliot. “Twelve years old palang si Robert noong natuto siyang mag drive kasi wala siyang ibang
Magbasa pa

Kabanata 2771

Para sakanya, wala naman talaga sa pagkakaroon ng asawa ang tunay na kaligahayan kaya kung saan masaya si Hayden, susuporta lang siya. "Daddy, hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong gusto ng mga magulang na magpakasal ang mga anak nila," tanong ni Ivy."Hindi ko alam ang dahilan ng ibang mga magulang, pero para sa akin, gustong mag asawa kayo dahil gusto kong maranasan niyo yung saya na naranasan ko mula nang makilala ko ang Mommy niyo. Masasabi ko na sumaya ako ng di hamak mula noong naging mag asawa kami ng Mommy mo kumpara noong single pa ako. Ang pamilya ko, kayong lahat, ang tunay na nagbigay ng kahulugan sa buhay ko, kaya natural lang na gusto ko ring magkaroon kayong lahat ng partner na susuporta, makikinig, at aalagaan kayo sa hirap at ginhawa. Naniniwala ako na lahat tayo ay kailangan ng taong makakasama sa buhay."May biglang naalala si Ivy. “Daddy, wag niyo pong pilitin si Hayden na mag asawa kasi baka mag away kayo…” Natatakot si Layla sa mga pwedeng mangyari
Magbasa pa

Kabanata 2772

Pag sapit ng alas diyes ng gabi, halos maiyak si Avery sa sobrang saya nang makita niya ang medical report ni Eric. "Ito ang pinakamagandang match na maaari nating mahanap para kay Eric Santos. Kahit hindi ito eksaktong match, mataas ang tsansa ng tagumpay natin dito," sabi ng doktor.Medyo nagbago ang ngiti ni Avery. "Kung hindi sigurado ang tagumpay, nag-aalala ako sa mga posibleng komplikasyon na makuha niya.""Ms. Tat— Ay, ang ibig kong sabihin, Doctor Tate, kahit naman ang mga perfect match ay may malaki pa ring posibilidad na magkaroon ng kumplikasyon. Alam mo naman ang kundisyon ngayon ni Eric diba? Hindi tayo pwedeng mag aksaya ng panahon dahil habang mas tumatagal ay lalo lang siyang lumalapit sa bingit ng kamatayan. Siya lang ang pasyenteng kilala ko na tumagal ng ganyan na naka ECMO kaya wala rin akong ideya kung ano ang mga pwedeng mangyari sakanya kapag pinatagal pa natin ito.”Natahimik na lang si Avery sa mga sinabi ng doktor.“Kakausapin ko muna ang mga magulang n
Magbasa pa
PREV
1
...
275276277278279
...
318
DMCA.com Protection Status