Ayla's POV"Ano bang problema nila?" salita ko sa hangin. Hindi ko kasi maiwasang hindi makaramdam ng inis. Una si Sir Vlad nagalit ito sa 'kin matapos makipagkilala ni Mr. Ochoa. Anong magagawa ko, maganda ako saka sexy, single din naman ako. Nagseselos kaya siya?Erase! Erase! Paano naman magkakagusto sa 'kin ang boss ko e pihikan sa babae 'yon saka hindi ako papasa standards niya.Isa pa itong si John, Ere, dineadma na naman ako. Bakit, masama bang makipagkilala sa ibang lalaki eh wala naman kaming relasyon.Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni John kagabi na siya lang daw ang dapat na gumalaw sa akin.Napaka teritorial, wala naman sa lugar. Binigyan lang ako ng kwintas akala naman niya, isanla ko pa ito kapag nainis niya ko."Ayla ha, mukhang may gusto talaga sa 'yo si sir Vladimir." wika ni Nadine habang hinihimas ang buhok ko."In my dreams." wala sa loob na nasambit ko. Malabong manyari iyon."Bakit, minsan mo na bang pinangarap si Sir Vlad?" panunukso ni Nadine sa akin.
Last Updated : 2022-06-15 Read more