Bahagya na naestatwa si Evan sa kan’yang paglabas sa banyo at nabungaran ang nanlilisik na mga mata ni Harper. She is fuming mad, and Evan knows that she heard everything. At siguro nga siya na ito na ang tamang oras para tapusin na nila ni Harper ang laro nila na ito. Oras na para tapusin na nila ang mga kalokohan na ito na sumisira lamang sa mga plano na mayro’n siya. Gusto niya na sabayan ang galit ni Harper, pero hindi niya magawa dahil nauunahan siya ng pag-aalala sa reaksyon na bumabalot sa babae ngayon. He can feel her pain, at nasasaktan din si Evan sa kaalaman na iyon. And screw it! He hates feeling this way. Ayaw niya nang bumalik sa pagiging mabait na si Evan na lagi na lamang na naaawa kaya lagi rin na naiisahan. He needs to stop, but seeing Harper like this is breaking him as well. "Bakit, Evan? Bakit mo ginagawa ito sa akin? Why are you hurting me this way?" Galit si Harper at sigurado si Evan doon, pero ang boses na lumalabas sa kan’ya ay hindi sa isang tao na galit, k
Magbasa pa