Dian Pov:Dinala ako ni Fred sa isang silid. Ano na naman kayang ginagawa ng lalaking ito. "Bitawan mo nga ako, ano bang problema mo ha?" Naiinis na tanong ko sa kaniya "Ikaw ang problema ko, Dian mag sabi ka nga ng totoo sa akin anak ko ba siya?" Biglang tanong ni Fred na siyang ikinagulat ko. "Ha ahh no, hindi hindi mo siya anak, at paano mo naman siya magiging anak." Nabubulol kung sabi. Ano nang gagawin ko? Hindi niya dapat malaman, akin lang ang anak ko. Gusto ko nang umalis kaya humanap ako ng pagkakataon para makaalis dito, Pero hindi talaga ako tinigilan ni Fred. "Paano mo nasabi na hindi ko anak ang batang iyon ehh wala ka namang asawa. Tapatin mo nga ako Dian, kung ako man ang ama ng anak mo karapatan kung malaman kaya pwede ba." Galit na wika niya "Kahit anong sabihin mo hindi mo siya anak, kaya pwede ba tigilan mo na ako."iritang wika ko at kinuha ko ang pagkakataong iyon para maka alis. Bwisit muntik na ako doon ahh. Kahit ano pang sabihin niya wala akung paki. Yes
Last Updated : 2022-05-12 Read more