MATAPOS nilang manggaling sa clinic ay dumaan na muna sila sa supermarket para mamili ng mga prutas na gusto niyang kainin sa mga susunod na mga araw. Cayson returned to the parking lot to get his wallet, nakalimutan daw nito iyon sa dashboard kaya binalikan. At habang hinihintay ito ay nag-ikot siya sa ilang mga aisle, picking up boxes of milk, unsweetened biscuits, and all other healthy snacks she could eat. “Kiwi, mango, strawberries...” Isa-isa niyang dinampot ang mga prutas na iyon at maingat na inilalagay sa loob ng push cart. At habang ginagawa niya iyon ay bumalik sa isip niya ang alcoholic punch na ininom niya sa party noon ni Cayson na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakatayo ngayon sa kinatatayuan niya.  
Last Updated : 2022-10-23 Read more