“Welcome back, my wife…” Napalunok ako lalo na nang humakbang palapit sa akin ang asawa ni Amore. Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo nang hinawakan siya bigla ni Daddy sa braso kaya natigilan siya sa paglapit sa akin. “Hijo, Amore is tired. Siguro bukas na lang kayo mag-usap,” ani Daddy sabay tingin sa akin. “Sobrang haba ng kanyang byahe kaya ibigay mo muna sa kanya ang pahinga.” Muli akong napalunok nang nagtaas ng kilay sa akin ang asawa ni Amore at binalingan niya si Daddy. Biglaan itong nangyari sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa harap ng lalaking ito. “She doesn’t look tired, Tito Alfonso,” sambit niya at tiningnan muli ako. “But okay, ihahatid ko siya sa kuwarto namin. Ilang buwan ko siyang hindi nakita at may pag-uusapan pa kami. Right, Amore?” Hindi ko alam kung ano ang kanyang ibig sabihin pero tumango ako. “O-Oo.” Nanliit ang mata niya sa sagot ko bago muling binalingan si Daddy na napailing na lamang sa akin. Ang totoo ay kinakabaha
Huling Na-update : 2022-02-22 Magbasa pa