After 3 months ng pagtitiis sa university, nakagraduate na din kami sa wakas. Akala ko pag nakatapos at may diploma kana mabilis ka ng makakahanap ng trabaho. Pahirapan pa din pala kahit after college. "Isang buwan palang naman. Baka malay mo matawagan na din tayo soon." Sabi ni Nessa sabay subo ng cheesecake na inorder niya. Nasa cafe kami ngayon, kakagaling lang namin sa pagpapasa ng resume sa isang kilalang Hotel dito sa lugar namin. Tinanong nila kami ng kaunti about ourselves tapos ang sabi tatawagan nalang daw kami for interview pero parang malabong mangyari yun base sa uninterested nilang itsura kanina. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng paraan paano magkakaron ng backer para mas mapabilis ang paghahanap namin ng trabaho ni Nessa, pero itong babae naman na 'to puro lamon lang ang ginagawa. Teka... "Hoy Nessa, may contact ka pa ba kay Enzo?" Tanong ko sakaniya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko dahil napatigil siya sa pagsubo ng kinakai
Terakhir Diperbarui : 2022-02-17 Baca selengkapnya