All Chapters of The Seven Killer Man [Tagalog]: Chapter 71 - Chapter 80

89 Chapters

[FACKLY] Part9.5: Chapter5: Cover of Sin

BIGLANG nakaramdam ng panghihina si Yrannie sa nasaksihan niya. Sa mga sandaling 'yon hindi niya alam kung anong gagawin. Naghahalo ang kanyang emosyon; takot, hindi makapaniwala, maiiyak, naguguluhan at tuliro. Nabalik siya sa kanyang huwisyo nang maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran. Agad siyang humiwalay kahit nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod. Sunod-sunod pa ang kanyang pag-iling habang lumuluhang nakatingin kay Leon."Yrannie, hindi ko intensyon 'yon," pagkuha ng loob ni Leon sa kanya. "Masyado siyang nagmamatigas kaya hindi ko sinasadyang natulak ko siya ng malakas." Paliwanag nito."Hindi, pinatay mo siya." Walang mapagsidlan ang kanyang pag-iling."Maniwala ka, hindi ko siya kayang patayin." Pangungumbinsi ni Leon."Huwag mo kong lalapitan!" Bulyaw niya kay Leon nang pagtangkain nitong lumapit sa kanya.Sa pagpikit ng mga mata niya muling tumulo ang kanyang luha, at nang dumilat siya. Naroon sa likuran Leon si Fackly at ang kanyang mga kaibigan."Anong nan
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

[FACKLY] Part9.6: Chapter: Second Time

NAPANSIN niyang humugot muna ng malalim na hininga si Fackly bago ito muling nagsalita."May sasabihin ako sa'yo!" Tugon nito."Ano 'yon?" Iritable niyang tugon."Nawawala si Leon," pahayag ni Fackly na ikinanuot-noo niya. "Kanina pa siya hinahanap ng mga ka-team ko, pero anino niya wala.""Paanong nangyari 'yon? Kanina lang nakita kong nakapagturo pa siya sa ibang estudyante!" Nagugulahan niyang sambit. "At isa pa hindi niya ko kamag-anak para sabihin mo sa'kin na nawawala siya, sa katunayan nga mabuti na rin 'yon. Nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Ma'am Emy!" May himig na galit sa boses niya."Sandali, may kinalaman ka ba sa pagkawala niya?" Pagsususpetsa sa kanya ni Fackly. "Alam kong galit ka sa kanya pero bakit mo ginawa 'yon?" Tukoy ni Fackly kay Leon.Napakunot-noo siya sa sinabi ni Fackly. "Wala akong ginawang masama sa kanya," umiiling na sagot niya. "At oo, inaamin kong galit ako sa kanya pero hindi ko kayang gumawa na ikasisira ng pangalan ko. Tanggap ko na ngang pagt
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more

[FACKLY] Part9.7: Chapter7: Leon's Meet Stranger

PREVIOUS scene...Matapos ang klase ni Leon sa unang subject niya ay nagtungo siya sa kanyang faculty room para palitan ang kanyang lesson plan. Palabas na sana siya nang makatanggap ng text mula sa unknown number. Babalewalain na niya dapat ito nang muli nagtext na naman ito. Kung kaya't hindi niya maiwasan makaramdam ng pagkabahala nang banggitin nito ang tungkol sa pagkamatay ni Emy, noong naghiking sila sa Laguna.Malalim siyang bumuntonghininga kapagkuwan ay iniwan niya ang hawak niyang lesson plan sa ibabaw ng kanyang desk. Pagkatapos niyon ay nagmamadali siyang lumabas ng faculty room hanggang sa paglabas niya ng university.Muli, binasa niya ang text message..'Kailangan natin magkita sa tabi ng abandunadong building''Isusumbong ko sa pulis ang ginawa mong pagpatay kay Emy kapag hindi ka nakipagkita'Agad siyang sumakay ng Taxi nang huminto sa tapat niya saka niya sinabi sa driver ang pupuntahan niya. Naniningkit pa ang kanyang mga mata nang mapansin niyang nakasuot ng itim na
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

[FACKLY] Part9.8: Chapter8: Pattern

NANG sumunod na mga araw, sa halip na pumasok si Yrannie sa school dumiretso siya sa Police Station na malapit sa lugar nila, kung saan nalaman niyang doon nakaduty si Fackly. Hindi siya nabigo nang makita niyang nasa office admin ito. Malalim siyang humugot ng hininga bago niya nilapitan si Fackly."Kailangan natin mag-usap." Seryosong panimula niya rito.Napansin niyang tumingin muna ito sa kasama nito't binulungan, kapagkuwan hinila siya nito palabas ng police station."Saan mo dinala ang bangkay ni Sir Leon?" Mahinang tanong niya rito. Sapat na 'yong boses niya na silang dalawa lang ang makakarinig ng pinag-uusapan nila."Yrannie, ayoko sanang masaktan ka at madamay rito, pero pinipilit mo ko na gawin ito." Makahulugan na sagot ni Fackly na ikinanuot-noo niya."Anong ibig mong sabihin?"Humugot muna ng malalim na hininga si Fackly. "Kapag sinabi kong huwag kang makikialam, alam kong masasaktan ka. At kapag nadamay ka, malalagay ka sa kapahamakan. Lalo na't alam ng mga iba kong kas
last updateLast Updated : 2022-11-15
Read more

[FACKLY] Part9.9: Chapter9: Seven Victim Cemetery

PINASOK nilang dalawa ni Mark ang sementeryo. Sa unang lapida, makikita ang ang pangalan ni Chris, kasunod ang mga hindi kilalang tao na may pangalan din. Sinundan naman iyon nina Simon, Samuel, Trist at nang iba pa. Huminto sila sa paglalakad nang makita nila na may dalawang butas roon na malapit sa libingan ni Trist. Pareho silang nagkatinginan ni Mark, kapagkuwan ay dahan-dahan sila lumapit.Kalaunan sabay pa sila nagulat nang makita nila ang bangkay nina Emy at Leon, na magkatabi sa kinaroonan na butas ng mga ito. Nang mga sandaling iyon nakaramdam ng takot si Yrannie, na hindi niya maipaliwanag kung bakit."P-Patay na si Sir, Leon?" Hindi makapaniwalang komento ni Mark. "Paanong--" pinutol niya ang sasabihin nito nang pangunahan niyang magsalita."Hindi ako ang pumatay kay Sir, Leon." Umiiling na depensa niya."Pero may alam ka kung bakit siya namatay," giit sa kanya ni Mark. Tanging tango lang ang isinagot niya rito. "Paanong nangyar?" Naguguluhan tanong nito.Ikinuwento niya ka
last updateLast Updated : 2022-11-19
Read more

[FACKLY] Part9.10: Chapter10: Next Is Fackly

PAGDATING ni Yrannie sa ospital ay nagtanong siya sa nurse station para alamin ang room ni Fackly. Matapos niya matanggap ang impormasyon ay dali-daling tinungo niya ang room ni Fackly. Saktong kalalabas lang ng isang doctor kung saan lulan ng kuwartong iyon si Fackly. Nang dahil sa pagmamadali niya ay nakalimutan niyang itanong sa doctor ang kalagayan ni Fackly nang dumiretso siyang pumasok sa kuwarto."Fakckly, anong nangyari sa'yo?" Bungad na tanong niya rito. "Tinawagan ako ng nurse-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang may magsalita mula sa kanyang likuran."Ako ang gumamit ng phone niya para tawagan ka." Singit ng doctor ni Fackly."Hah? Ah.. Sorry, akala ko nurse 'yong tumawag," paghingi niya ng paumanhin. "Pero salamat sa tulong niyo sa kanya Doc." Dugtong niya."Ayos lang at walang anuman, trabaho kong gamutin ang pasyente." Simpleng sagot ng doctor."Ako ang nag-utos sa kanya na tawagan ka, wala kasi ko sa kondisyon para kumilos." Paliwanag ni Fackly.Nang mga sandal
last updateLast Updated : 2022-11-20
Read more

[FACKLY] Part9.11: Chapter11: Blackmail

"SA tingin mo ba, si Edgar na ang susunod?" Biglang tanong niya. Tanging pag-iling lang ang nakuha niyang sagot mula kay Mark.Malalim siyang bumuntonghininga kapagkuwan ay tumayo siya't naglakad palabas ng ospital kabuntot niya si Mark. Walang-imik na inihatid siya ni Mark sa bahay niya. Ni magpasalamat nga ay hindi niya nagawa dahil sa lutang ang isip niya. Dumiretso siya sa kuwarto niya't humiga, hinayaan niyang lamumin siya ng pagkatuliro habang nakatingin sa kisame.Kinabukasan, late na siya nagising. Mabuti na lamang at weekend kung kaya't may time siyang dalawin si Edgar sa prisinto. Pero bago pa man siya lumabas ng bahay ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Wilma."Anong nangyari kay Edgar?" Bungad ng tanong ni Wilma. "Bakit nakulong siya?" Dugtong pa nito.Huminga siya ng malalim bago niya sinagot ang tanong. "Wilma, puwedeng sa school ko na sa'yo ikukuwento?" Paghingi niya ng permiso."Bakit? Kaibigan mo naman ako. At isa pa, si Mark ang nagsabi samin ni Aries na nakulong n
last updateLast Updated : 2022-11-22
Read more

[FACKLY] Part9.12: Chapter12: Guess

NANG mga sandaling 'yon hindi maiwasan ni Yrannie mapaisip kung bakit naroon na agad ang bangkay ni Fackly kasama sina Emy at Leon. Kunot ang kanyang noo na naguguluhang nakatitig sa mga bangkay ng mga ito. Umiiling-iling pa siya na para bang may hindi tama sa mga nangyayari. Parang may nakikipaglaro sa kanila at iyon ang gusto niyang malaman. At tulad nga ng sinabi niya kay Edgar, iimbestigahan niya iyon kahit malagay pa siya sa peligro.Pikit-matang bumuntonghininga siya kapagkuwan ay umalis na siya roon. Tinungo niya ang coffee shop kung saan ang establisyimentong iyon ang kanilang madalas na tambayan. Nang matapos niyang mag-order ay napangalumbaba siya habang iniisip na kinokonektado ang lahat ng mga nangyayari, ngunit tila walang pumapasok na ideya. Hugot hiningang nagpakawala siya ng hining saka siya sumimsim sa kapeng inorder niya. Maya-maya'y tumunog ang phone niya kung kaya't walang tingin na sinagot niya ang tawag."Yrannie.." bungad na sambit ni Mark sa pangalan niya. "Nas
last updateLast Updated : 2022-11-22
Read more

[FACKLY] Part9.13: Chapter13: Command

NAALIMPUNGATAN ng hatinggabi si Edgar dahil sa malakas na kalabog na nagmula sa bubong. Alam niyang pusa iyon dahil minsan na siyang nagigising ng ganoong oras at nang tignan niya kung sino ang mga nasa bubong. Mga pusang naghahabulan. Malalim siyang nagpakawala ng buntonghininga, kapagkuwan ay bumangon siya ng tayo dahil nakaramdam siya ng inang kalikasan kung kaya't nagtungo siya sa banyo para magbawas ng maruming tubig.Pagbalik niya sa kanyang kuwarto ay biglang tumunog ang phone niya na kanyang ipinagtaka. Napakamot pa siya sa likod ng kanyang ulo dahil des oras ng gabi ay may tumatawag sa kanya. Nang tignan niya ang nakarehistrong numero, unknown iyon kung kaya't in-off na lamang niya ang kanyang phone para walang mang-iistorbo sa kanya habang natutulog siya.Kinabukasan, after ng class papunta na siya sa club room nang may magtext message sa kanya. Napakunot-noo siya nang mapamilyar niya ang numero. Sandali siyang nag-isip kapagkuwan ay nalaman niyang galing iyon sa tumatawag s
last updateLast Updated : 2022-12-08
Read more

[FACKLY] Part9.14: Chapter14: Convince Suicide

NAPAPALUNOK si Edgar habang marahan ang paglapit niya sa kinaroroonan ni Fackly. At nang tuluyan siyang makalapit. Huminga siya ng malalim, kapagkuwan ay inilabas niya ang patalim na itinago niya pa sa likod ng kanyang damit kung saan nakasuksok iyon sa suot niyang patalon.Kahit patuloy pa rin nanginginig ang kanyang mga kamay walang alinlangan niyang itinarak sa tiyan ni Fackly ang patalim. Dahilan para magising ito't pinigilan siya, nagulat man pero malakas niyang tinabig ang kamay nito. Kita niya sa mga mata nito ang pagmamakaawa na huwag niyang patayin ito. Ngunit pinagpatuloy niya, mas nananaig sa kanya na muling makita ang kanyang nakababatang kapatid kung kaya't tinadtad niya ng saksak sa kahit anong bahaging parte ng katawan nito dahilan para mawalan ito ng malay.Muling nagulat siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan iniluwal niyon ang dalawang niyang kaibigan, sina Yrannie at Mark. Sa pagkakataong iyon, bigla siyang natauhan at napagtantong mali ang kanyang ginawa.
last updateLast Updated : 2022-12-09
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status