Home / Romance / The Impostor Wife / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of The Impostor Wife: Chapter 101 - Chapter 110

118 Chapters

CHAPTER 101

       “BERNARD, gusto ko sanang humingi sa iyo ng pera. Magtatayo sana ako ng small business. Buy and sell—”“Mamaya ay dalhin mo sa mall si Monica. Ipasyal mo siya at ang sabi niya sa akin kagabi ay gusto niya ng new doll. Dalhin mo siya sa toy store.” Agad na pinutol ni Bernard ang sasabihin sana ni Valentina.Nasa hapag-kainan sila ng umagang iyon at nag-aalmusal.Ilang beses na niyang sinubukang sabihin kay Bernard ang plano niya na magkaroon ng sariling negosyo para kahit paano ay meron siyang pinagkakaabalahan. Ngunit tila tutol ang asawa niya sa bagay na iyon. Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya. Iyong pagputol palagi nito sa sasabihin niya kapag iyon ang lalabas sa bibig niya ay isang indikasyon na hindi ito sang-ayon sa pagkakaroon niya ng negosyo.Napatingin si Valentina sa batang si Monica na abala sa pagnguya ng hotdog
last updateLast Updated : 2022-10-10
Read more

CHAPTER 102

       “NASAAN na ang ebidensiya, Danica? Ibigay mo sa akin. Sabihin mo kung nasaan?” Pinagtakpan ni Valentina ang kaba sa pamamagitan ng pagsigaw. Ngunit tila nilalamon siya ng titig ni Danica.Sa tanang ng buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam ng ganoong takot. Dahil ba sa tunay na nagagalit si Danica dahil sa ginawa niya sa asawa nito?“Ngayon na matatapos ang kasamaan mo, Valentina. Pagbabayaran mo sa kulungan ang lahat-lahat ng ginawa mo—”Ipinutok niya sa itaas ang baril. “Ang ebidensiya ang tinatanong ko sa iyo! Kapag hindi mo pa sinabi sa akin kung nasaan ay ikaw na ang susunod na tatamaan nito!” Muli niyang ibinalik ang baril sa pagkakatutok kay Danica.“Bakit hindi mo na ako patayin?” hamon nito. Hindi kakabakasan ng takot ang mukha ni Danica.Napamura sa utak niya si Valentina. Matalino nga si Danica. Masyado niya itong minaliit. Alam
last updateLast Updated : 2022-10-11
Read more

CHAPTER 103

       TAHIMIK na nagtatrabaho si Ambrose sa kaniyang table. Seryoso siyang nakaharap sa kaniyang laptop dahil pinag-aaralan niya ang proposed design ng architect na kinuha niya para mag-design ng bagong cottage na itatayo sa resort. Nabili na rin kasi niya ang kabilang resort kaya mag-e-expand na ang nasasakupan ng kaniyang resort. Noon ay balak na talaga ni Monica na mabili ang kalapit na resort dahil marami itong pinaplano para sa Montealta Beach Resort and Hotel.Lunch break na ng oras na iyon at nasa labas si Monica kaya siya lamang ang mag-isa sa opisina. Mamaya na siya kakain. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom.Nasa ganoon siyang kaseryosong tagpo nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Tumatawag si Brent. Bigla siyang kinabahan dahil mahigit one week na simula nang huling magkausap sila ng kaibigang doktor. Hindi na siya nakapag-follow up kay Brent dahil ang sabi nito ay baka dalawang linggo pa ang abutin ng D
last updateLast Updated : 2022-10-12
Read more

CHAPTER 104

       NASA loob ng kaniyang kotse si Ambrose. Nakatingin siya sa kawalan habang may hinihintay. Maya maya pa ay may kumatok na babae sa bintana sa tabi ng driver’s seat. Nang makilala niya ang babae ay sinenyasan niya itong umikot sa kabila.Agad na tumalima ang babae at binuksan ang pinto sa may unahan. Pumasok ito at umupo. Sa klase ng pagkakangiti nito ay alam niya na nagtagumpay ito sa ipinagawa niya rito.“Kumusta, Anna?” tanong niya.“Mission accomplished, sir!” Ipinakita nito ang isang resealable plastic na may laman na ilang hibla ng buhok.Kagabi ay isang ideya ang naisip niya na paraan para makakuha ng sample para sa DNA test na isasagawa niya doon sa babaeng inakal nilang si Monica at sa isa sa pamilya ni Milagros. Malakas talaga ang kutob niya na baka nga si Milagros talaga ang babaeng iyon.Isang nakakatawang ideya ang naisip niya. Kinausap niya ang isa sa mga
last updateLast Updated : 2022-10-13
Read more

CHAPTER 105

       NAPABALIKWAS ng bangon si Milagros habang habol ang paghinga nang magising siya mula sa bangungot na iyon. Naramdaman niya ang paghawak ni Martin sa kamay niya. Kahit madilim pa ng oras na iyon ay alam niyang si Martin ang kaniyang katabi. Nagpasalamat agad siya sa Diyos nang mapagtantong panaginip lamang ang lahat. Ang buong akala niya talaga ay namatay na silang mag-asawa sa kamay ni Valentina.“Anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang hinaplos siya ni Martin sa likod.“Napanaginipan ko si Valentina! P-pinatay niya raw tayong dalawa. Martin, natatakot ako na baka magkatotoo iyon!” Halos maiyak na si Milagros sa labis na takot.“Ano ka ba? Hindi iyon mangyayari. `Di ba, ang panaginip ay kabaligtaran ng sa realidad. `Wag mong kaisipin iyon. Okay? Nandito lang ako sa tabi mo.”“Natatakot pa rin ako. Sana ay mahuli na si Valentina ng mga pulis para hi
last updateLast Updated : 2022-10-14
Read more

CHAPTER 106

  “`ETO na ang kape mo, Danica. Sana ay magustuhan mo ang pagkakatimpla ko.” Inilapag ni Milagros ang isang tasa ng mainit na kape sa lamesa na nasa gitna ng sala. Umupo siya sa tabi ni Martin na nasa mahabang upuan.“Maraming salamat!” Nakangiting wika ni Danica. Kinuha nito ang tasa at humigop ng kape. Ibinalik din nito iyon sa lamesa.Sa sobrang paranoid ni Milagros dahil nagkausap sila ni Valentina kanina sa grocery store ay ito ang agad na naisip niya nang may kumatok sa pinto nila. Mabuti na lamang at si Danica lang pala. Ikinagulat niya ang pagdalaw nito sa bahay nila ngunit natutuwa siya na makitang ligtas ang babae.“Pasensiya ka na nga pala kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo tapos biglaan pa. Wala kasi akong contact number mo kaya hindi kita nasabihan. Naging abala rin kasi ako dahil sa mga nangyari,” ani Danica.“Wala iyon. Kumusta ka na pala?”Huminga ito nang
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more

CHAPTER 107

       MABILIS na lumipas ang mga araw at sa bawat araw na natatapos ay patuloy na nagtatanong si Ambrose kung si Milagros nga ba talaga ang babaeng kinuha niyang personal assistant. Kung dati ay inilalapit niya ang sarili rito dahil akala niya ay si Monica ito ngayon ay hindi na. Iniiwasan niya ang ma-attach sa isang tao na hindi siya sigurado kung sino. Kaya kahit nasa iisang silid sila ng babaeng iyon ay hindi na siya kagaya dati na palaging nais itong makausap. Kung kakausapin man niya ito ay tungkol na lang sa trabaho at wala nang iba.Aminado si Ambrose na hindi siya makakapag-isip ng maayos kung ang bagay na iyon ang palagi niyang iisipin kaya gumagawa siya ng paraan upang ibaling sa iba ang kaniyang atensiyon. Kapag free time niya at nasa resort siya ay nagpupunta siya sa gym ng resort at nagwo-workout siya. Kagaya na lang ng hapon na iyon. Tinatamad pa siyang umuwi kaya naisipan niyang magpunta sa gym upang magpapawis.
last updateLast Updated : 2022-10-16
Read more

CHAPTER 108

       “BAKA naman mamaya ay char-char lang `yang sinasabi mong pera, ha. Naku, sasabunutan talaga kitang gaga ka! Sinasayang mo lang oras at pagod ko sa iyo. Aba, biruin mo, simula nang nakita kita sa kasukalan ay dito ka na nakatira. Dito ka na kumakain at natutulog. At lahat ng iyon ay for free!” turan ni Lukring habang ngumunguya.Matalim itong tinapunan ng tingin ni Valentina. “Kung makapagsalita ka naman. Feeling mo ay 5-star hotel itong bahay mo. E, daig pa nga nito ang kulungan ng baboy sa sobrang baho at liit! Saka maghintay ka. Marami akong pera at hindi ko iyon sasabihin sa iyo kung wala ako. Kung magkano ang napag-usapan natin ay ibibigay ko iyon sa iyo basta hayaan mo lang ako na magtago dito sa bulok mong kubo!” inis na wika niya.Pumalakpak nang malakas si Lukring. “Yes na yes naman! Hindi na ako makapaghintay na yumaman ako kaya pasensiya ka na. Aba, ang tagal ko na kay
last updateLast Updated : 2022-10-17
Read more

CHAPTER 109

       MAGKAHAWAK ng kamay na pumasok sina Milagros at Martin sa resort nang salubungin sila ni Charlotte na may dalang isang box ng cake.Bahagyang napaatras si Martin nang makita ang babae na nakangiti nang matamis. Alam niya na may pangamba pa rin ang asawa niya na baka harutin ito ni Charlotte sa harapan niya. Marahil ay natatakot si Martin na maulit iyong eksena nila sa labas ng canteen.“Good morning sa inyong dalawa!” Masiglang bati ni Charlotte.“Good morning din!” Nakangiting tugon ni Milagros.“O, ikaw? Hindi ka ba mag-gu-good morning?” tanong ni Charlotte kay Martin.“Ah, e…” Iyon lang ang naging tugon ni Martin.“Ay, bakit parang afraid ka naman, Martin? Huwag kang mag-alala, tinuruan ko na ang sarili ko na mag-move on sa iyo. And finally, na-uncrush na kita. Focus na muna ako sa work ko rito at sa tabi muna ang paglalandi!
last updateLast Updated : 2022-10-18
Read more

CHAPTER 110

       SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy
last updateLast Updated : 2022-10-19
Read more
PREV
1
...
789101112
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status