Kabanata 2 Investigate Kinabukasan ng umaga ay maaga akong nagising at dumiretso papuntang kusina. Pagpunta ko roon ay gulat ako nang makita si Auntie Sam na naghahanda na kaagad ng mga lulutuin para sa breakfast. Ngumiti siya nang makita ako. "Good morning! Maupo ka muna riyan, magluluto pa lang ako, e," sabi ni Tita sabay salubong sa ‘kin ng yakap. I hugged her back and kissed her cheeks. "Tulungan na lang kaya kita?" suhesyon ko. "Sure! Sure! Baka hindi ko na nga rin alam ang mga kinakain mo ngayon. Para makapagkuwentuhan rin tayo." Tumango ako at kumuha ng apron. Tinignan ko ang mga kinuha ni Auntie para lutuin. Bacon, egg, ham, hotdog, at sausage, nakita ko pang nagsasaing siya sa rice cooker. Napataas ang isang kilay ko sa dami no’n. "May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni Auntie na nagp
Last Updated : 2022-02-05 Read more