Hindi makapaniwala si Kelly sa kaniyang nakikita kaya nilagay niya sa likod niya ang kaniyang kamay at saka bahagyang kinurot ang sarili. Napapikit siya nang maramdaman niya ang sakit. Ibig sabihin ay hindi siya nananaginip. "Oh. Okay, Sir," sagot ni Xavier kay Ashburn. "Mauna na ako. See you around," paalam ni Ashburn kay Xavier at napasulyap na naman kay Kelly. Bumaling din ito kay Niana saka ngumiti rin, kaya pati si Niana ay sumagot din ng ngiti. Tanging si Kelly ang hindi niya mangitian at gano'n din si Kelly. "Okay, Sir. See you around," sambit naman ni Xavier.
Last Updated : 2022-03-20 Read more