“DAMI niyong arte!”Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Leonardo. Bakas sa mukha nito ang irita at mukhang diring-diri sa narinig mula sa akin.Parang gusto ko siyang tadyakan bigla palabas ng sarili niyang kotse. Bakit ba siya nangingialam? “Ibalik mo na ‘ko sa bahay,” iritadong sabi ko habang nakasimangot.Inirapan ako ni Leonardo nang biglang nag-ingay ang cellphone niya. Sinulyapan pa ako nito na ikinataas ng kilay ko.Nang sagutin nito ang tawag ay dumagundong ang puso ko dahil sa pangalang binanggit niya.“What is it, Alessandro?”Bored na bored ang mukha ni Leonardo nang bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at tila nataranta.“What? What did you feed her—Fine! Bring her to the hospital. I’ll be there quickly.”Nagulat ako nang paandarin ni Leonardo ang sasakyan. Dire-diretso ang walang lingon-lingon.“Teka lang, Leonardo! Saan mo ako dadalhin?”Nagtiim-bagang ito, “I have an emergency.”“Ano?” Nasapo ko ang ulo. “Ibaba mo nalang ako dito sa tabi—”“I can’t! She’s more imp
Magbasa pa