INIS na tinawagan ni Nikole ang kanyang ama. Tiyak na gising pa ito dahil dito malamang galing ang utos na bantayan siya. “Hello, sweetheart. Are you alright? I heard you were in trouble,” magiliw na salubong ng ama sa kabilang linya. “Dad, come on! What’s with these men? Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? Hindi naman ako gano’n ka-exposed sa media para manganib ang buhay ko,” reklamo niya. “Okay, I’ll think about it. Let me talk to Jules.” The line went dead. Maya-maya pa ay narinig niyang may kausap ang driver. “Yes, sir. The princess is okay.” Pinaikot ni Nikole ang mata dahil sa narinig. Princess, my foot. Nanggigigil talaga siya. Kung matagal nang laging nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards. Hindi kaya alam din ng mga ito na pumunta siya sa condo ni Alex dati at umuwing laglag ang balikat? Probably they knew even the smallest detail of her private life! Masyado siyang naging kampante sa sinabi ng daddy niya. “Rest assured, sir. We’ll take good care of her,” sabi
Last Updated : 2022-05-29 Read more