Kabanata 2Si Matthew Ariston Delgado ay 26 na taong gulang, matalino, makisig, kinababaliwan ng mga kababaihan at pinakamahusay na surgeon sa Pilipinas, parte ng pinamakamayamang mga businessman ang kanyang mga magulang at nagmamay-ari sila malalaking resorts, hotels, and clubs sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Huminto ang tugtog sa bahay-aliwan dahil sa gulong naganap at ang mga kostomer ay nagsiuwian na, “tumayo ka na dyan, hwag mo ng hintaying tulungan pa kita.” Masungit na utos ni Matthew sa misis niyang nakaupo parin sa sahig at walang tigil sa pag-iyak. Nakikiramdam si Matthew kung kikilos ba ito para sundin siya ngunit walang palatandaan na siya ay tatayo kaya naman pwersahang binuhat niya ang asawa at inilabas ng bar, “b-bitawan mo a-ko!” ginalaw-galaw niya ang kanyang mga binti upang ibaba siya nito sa lupa, “hahanapin ko ang aking singsing,” umiiyak niyang sabi. &l
Huling Na-update : 2022-01-27 Magbasa pa