Pareho kaming tahimik sa sasakyan habang bumabyahe pauwi. 'Jessica, please calm down. Tama na. She's pregnant...' Kanina pa lumilitaw sa isip ko ang mga salitang binigkas sa akin ni Frank kanina. Kasama nito sa resort si Farrah. Ang babaeng itinuturing kong matalik na kaibigan at parang isang kapatid, ang taong gusto akong mamatay. Mukha rin namang masaya silang dalawa na nawala ako sa buhay nila. Mga h*y*p! Mga taksil! Paano niyo nagawa sa akin ito? Lalo ka na, Frank. Akala ko ba mahal mo ko? Tinakpan ko ang bibig ko dahil hindi ko maiwasang humagulgol ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kanina pa parang may mga kutsilyong bumabaon sa puso ko. Pinilit kong hindi gumawa
Last Updated : 2022-01-27 Read more