Kanina pako naiilang sa tingin ng tatlong bata sa harap ko. Para silang mga pusang kumikinang ang mata na nagpapacute sa akin. “Pwede bang gawin niyo ulit, ate Emerald?” Pakiusap ni JinJin. “Oo nga ate. Can you do it again? Please…” Si Wendy, isa sa mga batang kasama ni chloe kanina. “Yes, one last time. We want to see it again” Si Julia. Napabuntong-hininga ako. Mga limang beses na siguro nila itong sinabi. Tatanggi na dapat ako pero di ko maatim tanggihan ang mga bata sa harap ko. Walang magawa ay kinuha ko ang hawak nilang gamit. Ang tawag nila dito ay magical tool. Ito daw ang ginagamit ng mga tao dito para maipagtanggol ang sarili nila sa mga masasamang mages dahil karamihan sa mga tao na nakatira sa bayan na to ay walang kapangyarihan. Sa buong bayan ay meron lang daw isa na biniyayaan.
Huling Na-update : 2022-01-07 Magbasa pa