Bumilis ang tibok ng puso ng babae ng marinig ang mga boses ng mga humahabol sa kanya. Mukhang malapit na nila siyang mahabol. Kanina pa siya kinakapos nang hininga at tagaktak na rin ang pawis niya pero pilit pa rin siyang tumatakbo.
‘Hindi pwede!’ Sigaw niya muli sa kanyang isip. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito. Sa isang kumpas ng kanyang kamay ay pinatumba niya ang isang malaking puno upang mapabagal ang paghabol ng grupo sa kanya ngunit agad lang sinunog ng mga ito ang kanyang punong pinatumba.
“Hoy! Babae! Sumuko kana! Tumigil ka na sa pagtakbo dahil di mo rin naman kami matatakasan!” Kasunod ng sinabi nito ay narinig niya ang mga mala demonyong tawa ng grupo.
“Wag kang mag-alala. Kung magiging mabait ka at masunurin. Di katulad ng mga kasamahan mo ay bibilisan namin ang pagpatay sayo. Kaya sumuko kana.” Muling nagtawanan ang grupo.
Saglit na napahinto siya. ‘Hindi! Wag kang hihinto! Tumakbo kalang. Wag kang magpadala sa emosyon mo.’Pero tila di nakikinig ang kanyang katawan at huminto sa pagtakbo. Nilingon niya ang mga kalalakihan ng may nanlilisik na mata. “Anong sinabi niyo?” Mahina pero may gigil niyang tanong.“Oh! Buti naman at itinigil mo na ang walang kwenta mong pagtakas. Bakit? Gusto mo bang malaman kung pano namin pinatay ang mga kasamahan mo? ” Ang nakakalokong tawa ng mga lalaki ay lalong nagpainit sa dugo ng dalaga. Napakuyom siya ng kamay sa matinding galit. Dapat ay tumalikod na siya at tumakas pero gusto niya ring malaman kung anong nangyari sa mga kasamahan niya. Nang dumating kasi siya mula sa pamamasyal sa bayan ay wala ng buhay ang mga ito. Ang tanging buhay nalang ay ang kanyang tinuring na ina na nagsabi sa kanya ng dapat gawin.“Una, pinahirapan namin ang mga kasamahan mong lalaki. Sinabihan na kasi namin silang wag magmatigas pero, ano? Hindi sila nakinig. Kaya ayun, paulit ulit namin silang pinaghahampas ng latigo. Ang iba, isa isa naming pinutulan ng daliri at kamay dahil wala na rin naman silbi yun sa kanila kung wala na silang kapangyarihan.” Tumawa na naman ito na tila isang nakakaaliw na istorya ang kinekwento.
“Ang mga walanghiyang lalaking yun. Kahit na anong ginawa namin ay di pa rin nagsasalita kaya ayun. Pinutulan din namin ng dila. Ang saya diba?” “Tumahimik kana.” Mariing utos niya dito. Pero tinawanan lang siya ng mga ito. “Oh? At ang mga kasamahan mong babae? Ayun. Syempre. Paulit ulit muna naming dinala sa langit bago pinatay sa harap ng mga kasamahan mong lalaki. Aayaw ayaw pa sila nung una pero.. wala naman silang karapatang tumanggi.” Ngumisi ito. “Kung maririnig mo lang sana ang sigaw at iyak nilang lahat. Tiyak na-“ Mabilis itong napahinto ng biglang lumiwanag ang buong paligid. Bigla ring umihip ng malakas ang hangin na nagdala sa kanila ng matinding kilabot. “TUMAHIMIK KANA!”Sa pinaghalo halong galit, sakit at pagod ay di na niya napigilan ang kanyang emosyon. Kasabay ng sigaw niya ay ang malakas na pagtama ng kidlat sa lugar na kinatatayuan ng mga lalaki. Mabilis na nakaiwas ang mga ito pero kitang kita ang takot sa mga mata nila. Halatang hindi nila inasahan ang nangyari. “Tandaan niyo to! Sa oras na magkita ulit tayo. Ibabalik ko ng doble sa inyo ang ginawa niyo sa bawat kasamahan ko! Bawat sakit! Bawat hirap na pinagdaanan nila! Ibabalik ko sa inyong lahat! Kaya ipanalangin niyong wag nang magkrus muli ang landas natin. Dahil katulad niyo, ay hindi rin ako magpapakita ng kahit na kaunting awa.”Kitang kita niya kung pano manginig ang mga ito. Hindi parin sila makapaniwala na muntikan na silang mamatay kung hindi lang sila nakailag agad. Ang kidlat na yun! Ang babae bang nasa harap nila ang may kagagawan nun? Imposible! Dahil ayon sa impormasyon nila ay wala na dapat kapangyarihan ang buong grupo at syempre maging ang babaeng ito at kung meron man na natitira ay dapat mahina nalang. Pano ito nakapagpalabas ng ganun kalakas na kidlat? Sa buong buhay nila ay ngayon lang sila nakakita ng ganon kaya di pa rin sila makapaniwala. Ang isa sa kasamahan nila na nadampian lang ng kaunting kidlat ay naputulan ng kamay at ang iba ay nalapnos ng sobra ang balat. Ngunit agad silang natauhan ng makita ang nakatalikod nitong anyo sa harap ng isang portal na malapit nang matapos. Hindi maari! Hindi pwedeng makatakas ang babae dahil tiyak na kung di sila namatay sa pagtama ng kidlat ay mamatay naman sila sa kamay ng kanilang pinuno. “Pigilan niyo siya!” Malakas na sigaw ng lalaki sa mga kasamahan. Ang isa ay agad na humugot ng pana at pinatamaan ang babae. Hindi nakailag ang babae dahil kailangan niyang ilagay ang kanyang buong atensyon at lakas sa paggawa ng portal. Agad niyang naramdaman ang matinding sakit sa kanyang likod ngunit hindi siya tumigil. Matapos ang ilang segundo ay nakumpleto niya na ang portal kaya agad siyang pumasok dito. Narinig niya pa ang malakas na sigaw ng mga lalaking humahabol sa kanya bago magsara ng tuluyan ang portal. “Nagawa ko!” Masaya niyang sambit sa sarili. Nagawa ko mga kasama. Nakangiti niyang sigaw sa langit. Sa sobrang panghihina ay di na nakayanan ng katawan niya. Nawalan na siya ng malay at bumagsak siya sa lupa. Sa di inaasahang pangyayari ay tumama ang kanyang ulo sa isang bato. Unti unting dumaloy ang dugo mula sa kanyang ulo at sa tiyan hanggang sa napalibutan siya ng dugo.••••••••••••
“Iha.. Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?” Iginala ko ang paningin ko. Nasa isang di pamilyar na lugar ako. Napatingin ako sa itsura ng babaeng nagsalita kanina. Isa itong matandang babae. May sinasabi pa siya pero di ko na maintindihan. Nasa likod niya ay nakatayo ang isang lalaki na mukhang asawa niya. Bakas ang pag-aalala sa itsura nila.“Mukhang di nya ako naririnig. Ayos lang kaya sya?” Tanong niya sa kasama niya. Naririnig ko na ulit sila.
“Mukhang di pa maayos ang pakiramdam niya.. Hayaan muna natin siyang magpahinga.” Sambit ng lalaki. Tumingin siya sakin.
“Aalis muna kami. Magpahinga ka muna, iha. Tawagin mo nalang kami.. kung.. may kailangan ka.” Sabi nila ng may pagsenyas. Pinilit kong tumayo pero agad akong napahiga ulit ng kumirot ang katawan ko.
‘Anong nangyayari? Nasaan ako? Bakit masakit ang katawan ko? Sino at kaano-ano ko ang mga taong to? ‘
Pinipilit kong ibuka ang bibig ko para magsalita at maitanong sa kanila lahat ng gumugulo sa isipan ko pero walang boses na lumalabas dito.
Mariin akong napapikit bago napasabunot sa buhok ko. Pilit na pinapalabas ang mga bagay na kulang at tila nawawala sakin. Nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko. Agad nilang kinuha ang kamay ko sa pagkaka-sabunot sa ulo ko. Tumutulo ang luha na napatingin ako sa kanila.Gusto kong itanong.Bakit wala akong maalala? SINO AKO?!“Tay! Nay! Nakauwi na po ako.” Masayang sabi ng isang batang babae. Napahinto siya sa pinto ng makita ako. Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Napatingin siya sa babaeng nasa tabi ko ng magsalita ito. Nandito kami ngayon sa parang sala ng bahay nila. Maliit lang ang bahay nila at medyo may kalumaan na pero maayos at malinis naman. Dinala ako dito ni Manang dahil ayaw niya akong iwan mag-isa sa kwarto dahil baka bigla na naman akong atakihin ng sakit sa ulo at masaktan ang sarili ko. “Nakauwi kana pala, Jinjin. Kamusta ang pagpasok mo?” Narinig kong tanong nito sa kanya. Nanatili lang akong nakikinig at nakaupo sa kanina ko pang pwesto. Napatingin muna ito sa akin bago buong siglang ngumiti sa marahil ay nanay niya. ‘Kung ganun ay may anak pala ang mag-asawa.’ “Maayos naman po. Marami rin po akong naging kaibigan na bago. Nagpakilala pa nga po kami isa-isa sa harapan.” Masaya niyang sambit bago tumingin ulit sa akin. Nagtataka.
“Wala ka talagang maalala?”Umiling ako.“Bakit ka nandun sa nakakatakot na gubat na yun?”Napahinto ako at nag-isip. Pilit ko mang isipin ay wala talaga akong maalala. Sumasakit lang yung ulo ko.Isang batok ang natanggap ni JinJin sa Nanay niya.“Kakasabi niya lang na wala siyang maalala diba? Bakit mo pa siya tinatanong niyan? Pinapasakit mo pati ang ulo ko eh.” Sumimangot si JinJin sa Nanay niya habang nagkakamot ng ulo. Bumaling sakin si Nanay Flora at ngumiti. Kanina lang ay matiyaga silang nagpakilala sakin kaya kilala ko na ang mga pangalan nila. Sabi nila ay tawagin ko nalang silang Nanay Flora at Tatay Franco. Ang anak naman nila ay Jennica ang pangalan pero tawagin ko nalang daw na Jinjin. Sampung taong gulang palang si JinJin samantalang nasa edad kwar
Kanina pako naiilang sa tingin ng tatlong bata sa harap ko. Para silang mga pusang kumikinang ang mata na nagpapacute sa akin.“Pwede bang gawin niyo ulit, ate Emerald?” Pakiusap ni JinJin.“Oo nga ate. Can you do it again? Please…” Si Wendy, isa sa mga batang kasama ni chloe kanina.“Yes, one last time. We want to see it again” Si Julia. Napabuntong-hininga ako. Mga limang beses na siguro nila itong sinabi. Tatanggi na dapat ako pero di ko maatim tanggihan ang mga bata sa harap ko. Walang magawa ay kinuha ko ang hawak nilang gamit. Ang tawag nila dito ay magical tool. Ito daw ang ginagamit ng mga tao dito para maipagtanggol ang sarili nila sa mga masasamang mages dahil karamihan sa mga tao na nakatira sa bayan na to ay walang kapangyarihan. Sa buong bayan ay meron lang daw isa na biniyayaan.
Zero's Point of View,While walking at the hallway, I felt the people around me getting tensed as they look at me. Kahit di ko sila tignan ay alam ko ang emosyon na pinapakita nila sa mga mukha nila. Pity. I was in an exclusion for training when I was suddenly summoned by the Headmaster to go to the gymnasium. I have a rule to never be disturbed once I was training pero ipinatawag pa rin ako. It only means one thing. May pakiramdam ako na may masamang nangyari. Pero di ko pa rin inaasahan ang makikita ko pagdating ng gymnasium. I could feel my anger burning each step I take. Dahan dahan akong naglakad hanggang sa mapahinto ng makita na ang bagay na hinahanap ko. I don't know how long it has been since the last time I saw them. Pero naalala ko pa rin ang nakangiti nilang mukha habang kumakaway sa akin habang ako naman ay nakasimangot na nakatingin sa kanila. Galit ako sa kanila sa pag-iwan nila noon sa akin para s

“Tay! Nay! Nakauwi na po ako.” Masayang sabi ng isang batang babae. Napahinto siya sa pinto ng makita ako. Nakatingin lang siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Napatingin siya sa babaeng nasa tabi ko ng magsalita ito. Nandito kami ngayon sa parang sala ng bahay nila. Maliit lang ang bahay nila at medyo may kalumaan na pero maayos at malinis naman. Dinala ako dito ni Manang dahil ayaw niya akong iwan mag-isa sa kwarto dahil baka bigla na naman akong atakihin ng sakit sa ulo at masaktan ang sarili ko. “Nakauwi kana pala, Jinjin. Kamusta ang pagpasok mo?” Narinig kong tanong nito sa kanya. Nanatili lang akong nakikinig at nakaupo sa kanina ko pang pwesto. Napatingin muna ito sa akin bago buong siglang ngumiti sa marahil ay nanay niya. ‘Kung ganun ay may anak pala ang mag-asawa.’ “Maayos naman po. Marami rin po akong naging kaibigan na bago. Nagpakilala pa nga po kami isa-isa sa harapan.” Masaya niyang sambit bago tumingin ulit sa akin. Nagtataka.
Mabilis ang ginagawa niyang pagtakbo habang kabadong tumitingin sa paligid. Sa katahimikan ng gabi ay tila may isang malakas na speaker na nakalagay sa dibdib niya at ang paulit-ulit na tumutugtog ay ang tibok ng puso niya.‘Di siya pwedeng mahuli! Di niya pwedeng sayangin ang sakripisyo ng mga taong nagbuwis na ng buhay para sa misyong ito. Kailangan niya ding tapusin ang misyon na nakaatang sa kanya. Siya nalang ang huling pag-asa ng grupo.’ Yan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ng dalaga.Bumilis ang tibok ng puso ng babae ng marinig ang mga boses ng mga humahabol sa kanya. Mukhang malapit na nila siyang mahabol. Kanina pa siya kinakapos nang hininga at tagaktak na rin ang pawis niya pero pilit pa rin siyang tumatakbo.‘Hindi pwede!’ Sigaw niya muli sa kanyang isip. Hindi siya pwedeng maabutan ng mga ito. Sa isang kumpas ng kanyang kamay ay pinatumba niya ang isang malaking