[LIA TANAKA POV] Isa pa.. Isang dial pa, pag to hindi niya sinagot bahala na talaga siya...! " Hello... Sino ho sila?" tanung ng isang babae..?? Teka babae??!! Nag init agad ang tenga ko at humigpit sa pagkakahawak ng phone. " Sino to?!" iritang tanung ko.. " Ms. Sungit... Inom pa tayo!! Yaan mo na yan!!" rinig kong sigaw ni Kurt.. Alam kong si Kurt yun. Boses pa lang ng gago alam na alam ko na.. " Ms.! pwedeng pabigay ng phone sa asawa ko?" mahinahong sabi ko. Kinakalma ko pa din ang sarili kahit na naiinis na ako.. Sino ang babaeng to at bakit sila magkasama ni Kurt.. Bwisit talaga siya.. Lalo lang niya ginagawang impossible na mapatawad ko pa siya.. " Asawa mo daw... Oh! Kunin mo na..." rinig kong sambit ng babae sa asawa ko.. " A-Asawa?? Wala akong asawa...Kaya nga ako naglalasing kasi wala na akong a-asawa.. Anu ka ba.." Napasinghal ako sa narinig ko, kusang nagsalubong ang kilay ko at tikom ang palad.. Ginagalit niya talaga ako.. Humanda siya sakin pag nakita ko siya
Huling Na-update : 2022-04-02 Magbasa pa