"Pasok ka," sinenyasan ako ni Myco na pumasok sa munti nilang bahay. Hindi ko siya kaagad sinundan papasok dahil sinuri ko muna ang kabuuan ng kanilang bahay. Maliit lamang iyon at ang pader ay hindi semento kundi kahoy mismo. May ilang tao na nakatingin sa'kin, nahalata nilang bagong salta lamang ako dito sa kanila. Pinagkaguluhan rin nila 'yong kotse ko na nakaparada sa tapat ng bahay nina Myco. "Uy! Huwag niyong hahawakan 'yan, baka magasgasan, mahal pa naman 'yan." Asik ni Myco sa kanyang mga kapitbahay nang mapansin na pinagpyestahan nila 'yong sasakyan ko. "No, it's okay." Sagot ko. Hindi naman bigdeal sa akin kung hawakan nila 'yon, as long as hindi nila masira. Tuluyan nang nakapasok si Myco sa loob ng kanilang bahay, sinundan ko siya at kaagad ko na naman sinuri ang kabuuan nito sa loob. Maayos naman kung ilalarawan ko, may munti silang sala at sa left side noon ay dining table nila na kumukonekta na rin sa kusina. Iyong refrigerator nakapwesto malapit sa hagdanan. Napat
Read more