Mabilis na nakarating si Cassey sa kumpanya kung saan nagtatrabaho ang ina. Agad siyang bumaba ng taxi at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob.Nakangiti pang binati ng dalaga ang receptionist doon saka inilibot ang paningin upang hanapin ang ina. May usapan sila na hihintayin siya nito roon dahil nagsabi siya rito na hihingi siya ng patawad kay Mr. Alvar, ang boss ni Cassandra, dahil sa pagkakamali nila ni Rei dito. Bagama’t dahilan lamang ni Cassey iyon dahil curious pa rin siya sa itinatago ng matandang lalaki na nasaksihan nila ng kapatid kung kaya siya bumalik doon.“Hello, good evening, si mommy po?” magalang na bati niya sa babaeng receptionist saka itinanong ang ina dahil hindi niya ito makita sa loob.Marahil ay nasa make up room ng mga model ito or nasa office ng amo. Kanina habang nasa taxi siya ay tinawagan niya ang ina upang sabihin dito na papunta na siya sa trabaho nito. Subalit hindi na niya ma-contact pa si Cassandra kahit ilang beses niya itong tawagan. Nakaram
Last Updated : 2022-06-14 Read more