Nayien GABI NA NG MAKARATING ako sa Pilipinas. Nag-taxi ako pauwi. Pagkarating ko sa harap ng bahay ay ibinaba ng driver ang mga bagahe ko at nagbayad ako ng pamasahe. Pumasok ako sa bahay at tinawag ko ang kasambahay na nasa hardin. May katawag sa phone niya at ng makita ako ay nagpa-alam agad ito sa kausap. "Magandang gabi Ma'am Nayien. Nakauwi na pala kayo." Sabi niya at tumango naman ako. "Magtawag ka ng kasama. Pakipasok yung mga gamit ko sa labas, please." Sabi ko at tumuloy na sa front door. Ngumiti ako ng marinig ko ang tawa ng anak ko. Ah, how I miss her voice. Kahit pa tatlong araw lang naman ang inilagi ko roon sa Amsterdam pero miss na miss ko parin siya. Nakangiti ako ng binuksan ko ang front door pero nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang naka-upo sa sala namin. Lumingon sila sa akin at ng makita ako ng anak ko ay mabilis siyang tumakbo papunta sa akin. "Mama!"
Read more